Hindi na makakasama ang Philippine women’s volleyball team sa 27th Myanmar Southeast Asian Games.
Sinabi ng isang miyembro ng SEA Games Task Force na inalis na sa listahan ang national women’s volleyball squad matapos na hindi dumalo at magsumite ng kanilang listahan sa Philippine Volleyball Federation bago pa ang itinakda nilang deadline.
Ito ang naging hatol ng mga opisyal ng POC-PSC Southeast Asian Games Task Force, kasama ang matataas na opisyal ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission, na siyang nagrebisa sa mga atletang sasabak sa aksiyon sa 27th Myanmar Southeast Asian Games sa Disyembre.
Makakasama ng volleyball team ang golf na inalis din sa listahan matapos magsabi ang National Golf Association of the Philippines na hindi makakabuo ng isang kompetibong koponan. Idinahilan nila ang ilang USbased golfers na hindi din makakadalo sa SEA Games dahil sa kanilang pagaaral.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 162 atleta na nakapasa para sa pambansang koponan habang 86 pa ang naghihintay na mapasama sa Task Force na kinabibilangan ng women’s basketball team.
Una nang nagdiskusyon sina POC president Jose Cojuangco Jr., kasama sina PSC chief Richie Garcia at Task Force na pinamumunuan ni POC chairman Tom Carrasco, PSC consultant at tennis association secretary general Romeo Magat at SEA Games chef de mission Col. Jeff Tamayo.
Umalis naman si Tamayo patungong Myanmar upang dumalo sa SEA Games delegation registration meeting na itinakda sa Setyembre 23 sa Naypyitaw.
Pinag-aaralan din ng Task Force ang rekomendasyon ni PSC commissioner Jolly Gomez, na nais magpadala ng kabuuang 38 track and field athlete sa Myanmar. Una lamang na inirekomenda ang 20 atleta para sa athletics.
Ang pinal na komposisyon ng Pilipinas ay malalaman sa Nobyembre na pinaka-deadline ng itinakda ng Myanmar SEA Games Organizing Committeee. Angie Oredo
SOURCE: Power Pinays, puwera sa SEAG | Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
There was actually a great selection of players who were offered a spot in the PWVT (Philippine Women's Volleyball Team), but only a few of those really talented players committed because of personal reasons and other commitments. What's more saddening is the way the team is being handled by the higher sector in-charge. The PWVT were actually doing better than the past years considering not all of them have stellar performances both here and abroad. Our team has this great potential of being as good or if not, better than teams like Thailand, Australia and maybe, just maybe, even China (too much?) These big bosses are hampering the potential greatness that can be achieved by the PWVT and maybe in other sports too. I just really wanna air this out. It's effin frustrating because I'm a vball player too and I followed their journey in the recent AVC. The team dominated other countries so I see no reason why we can't dominate the other teams who are on top of the game.
What do you guys think?