Sa ganitong klase na pix ano ang masasabi nyo mga master, Hindi ito mga kuha ko galing ito sa mga kaibigan ko sa facebook, hanga kasi ako sa mga master din na tumitira nito at ang pag edit, kaya naisipan ko pong ipakita sa inyo kung ano-ano ang mga ginamit nito bakit nagkaganito ang resulta, napakaganda ng pagka shot, ang kinis, very sharp, ang kintab ng kulay. Try ko pong ipa analyze sa inyo mga master kung ano mga ginamit d2,
gaya ng anong klasing lens ginamit nito,
1. ito ba ay prime, mid lens or fast lens, or kits lens, or ano pang ibang lens.
2. ano pong pusebling ginamit nitong aperture, speed, iso at iba pang mga adjusment ng camera.
3. ito po ba ginamitan ng flash, strobe, reflector at kung ginamitan ito ilan po ang mga ito.
4. Sa post processing naman po ano po ang posibleng ginamit nito, photoshop, light room at kung ginamitan naman ito ng mga software, ano po ang posibleng ina adjust nito, Temp, Tint, Exposure,recovery, fill light at kung ano ano pang mga adjustment pra makuha ang ganitong resulta.
Dami ko pong mga tanong mga master, Newbie pa kasi ako sa photography. I hope dami po ang mag reply pra mapalinawagan po ako kung ano ang gagawin ko, sana matutulongan ninyo ako.
ito po ba ay sa studio shot?
Ito naman po sa outdoor shot, ano sa palagay nyo mga master, ano-ano ang mga posible gagawin nito pra ganito ang resulta ng shot
ito naman sa akin, ano po ang masasabi nyo master, kasi sa akin, napaka dry ng dating, hindi ako satisfied sa resulta, flat ng resulta, bakit po ganito ang resulta, ginamit ko na lens na ito ay ang kits ng Nikkon 18-55 lens
tapos edit ko sa lightroom. Ano sa palagay nyon master ano po ang kulang nito.
Thanks po