http://www.youtube.com/watch?v=4T4jlI1AR00
Straight from the noynoy's mouth:
"Paano ho ba natin uumpisahan ito? With your permission, Butch: Si Butch ho kasi, campaign manager ko in two occasions already. And ‘yung kanyang marketing ploy po … para mapakita sa inyo kung gaano ka-creative iyong ating kalihim: Sabi niya kailangang pagusapan ho. Eh wala naman ho kaming pondo. Alam niyo, simula noong napasok ako sa gubyerno, ang litanya ho sa akin, “walang pera.” Ngayon nalang po na Secretary si Butch Abad, ‘pag natanong ko, “Butch, may pera ba tayo?” Mayroon. Basta sinabi niya, mayroon tayo niyan. Aba, iba nga talaga tono ngayon. So noong araw noong tayo’y nasa oposisyon at walang pera, nagisip siya ng paraan, paano ba ako ipakikilala sa taumbayan? So ang ginawa po niya, mayroon pong isang sikat na artistang mangangawit, at
awa ng Diyos po ay naging laman kami ng mga ilang tabloid at diyaryo na hindi bababa ng walong buwan. Ako po’y nagtataka, dahil minsan ko lang ho nakilala sa buong buhay ko itong itinutukoy na singer, ay kinalabasan lahat raw ho ng concert pinanood ko, parang nagkakaigihan kami. Basta, walong buwan ho tumatakbo iyan, at ako’y nagtataka na talaga, paano pahahabain ang istorya na walang laman? At noong natapos po—hindi pa ho ako tumatakbo noong panahon na iyon—natuklasan ko kung paano ‘yung pamamaraan. ‘Di umano’y, at wala po akong kinalaman doon, nagpapadala ng bulaklak ang mga … kaibigan nalang … ni Secretary Abad doon sa babaeng kinaukulan. At tinanggap naman po. At kada bigay niya ng bulaklak,
dagdag nanaman ng istorya doon sa aming paguugnayan na hindi naman po nangyari talaga. Sabi ko, 'Butch, ang galing mo gumawa ng fiction, dapat naging manunulat ka nalang.'"