hello po.. gusto ko lang po maintindihan ang proseso ng pagpapagawa ng mga proyekto ng mga congressman natin dito sa bansa..
tama po ba na ang mga district congressmen ang in charge sa paggawa ng proposal sa kongreso at pag naaprubahan ay mabibigyan ng budget pra mapatupad ang proyekto sa kanyang distrito? at ipapasa sa mayor para ipatupad ang proyektong iyon?
ano po ang papel ng NEDA (National Economic and Development Authority) sa mga proyektong ipapatupad?
dadaan ba muna sa kongreso ang proposal at pag naaprubahan ay ipapasa sa NEDA?
sana po matulungan nyo ako.
maraming salamat po