Tallo unang MVP ng Bayan
Ni Angeline Tan (Pilipino Star Ngayon) Updated June 20, 2010 12:00 AM
MANILA,
[COLOR=blue! important][COLOR=blue! important]Philippines[/COLOR][/COLOR]
- Hinirang si Mark Jayven Tallo bilang kauna-unahang Talk N’ Text MVP ng Bayan na idinaos kahapon sa Koliseum ng Bayan sa Makati City.
Ang 16-anyos na tubong Sambag II, Cebu City at anak ni dating national player at PBA cager Mark Anthony Tallo, ay kumuha ng 85 percent puntos buhat sa mga huradong sina Serbian national coach Rajko Toroman, Patrick Fran at Bong Ravena para manalo sa hanay ng 12 manlalaro.
Bago ito ay nagdaos muna ng regional tryouts mula Mayo sa mga lugar ng Davao City, Cebu City, Malolos Bulacan, San Fernando City, La Union at Koliseum ng Bayan upang mapili ang 12 manlalaro.
Hinati ang mga ito sa dalawang koponan na hinawakan nina coaches Elmer Reyes at Gabby Severino at naglaban ang mga manlalaro na binigyan ng puntos ng mga hurado base sa kanilang skills (50%), court knowledge (20%), work ethics (20%) at attitude (10%).
Nanalo rin ang orange team ni Tallo sa yellow, 57-49.
Si Tallo ay nanalo rin ng P100,000 scholarship grant na ibinigay ng Talk N’ Text.
Noong nagdaang taon ay hinirang siya bilang pinakabatang MVP ng CESAFI Juniors matapos igiya ang Cebu Institute of Technology sa titulo at nahirang din na pinakamahusay na JR. NBA na ipinadala sa New York.
MVP din siya ng CESAFI All Stars at naikonsidera rin para mapasama sa tryouts para sa Youth team na hawak ni Eric Altamirano.
Ang iba pang manlalarong pinalad na mapabilang sa last 12 ay sina Bridirik Brigoli ng Cebu, Kim Asuelo at Reuben Baguio ng Davao, Pauli Soliman ng Naga City, Gaudencio Apelido ng Pangasinan, Mike Palado at Aris Parinas ng Bulacan, Dan Lewis Uduba at Kevin Torres ng Cavite at Patrick Pequirs at Jophel Casoco ng Makati.
Congrats Mark Jayven. Congrats sa mga Cebuanong Basketbolista. Congrats Coach Mark Tallo of Hapee Online Basketball Camp for job well done.