Mga Kaibigang Filipino at Ka- Forummer, tayo na at magkaisa sa layunin na mas palawakin at bigyang halaga ang seksyon ng website na ito sa pag iimbita, pag seshare ng mga magaganda at makahulugang topic para sa lahat.
Makiisa sa mga ganitong layunin subalit hindi sa ikasisira ng forum kundi ating isipin ang ikabubuti ng lahat kung paano tayo mag grow spirituality at matuto sa buhay bilang mga tunay na Kristiano o mamamayang Filipino.
Na nagmamahal sa Diyos at sa kanyang kapwa, ating bigyan ng panahon at oras ang bawat usapin malaki man o maliit na issue at pag usapan ng may kalinawan, kaamuhan ng may karunungan at hindi lalagpas sa usapin.
Tayong lahat dito ay pantay pantay at tayong lahat tayo ay may karapatang malaman ang katotohanan, tayo nawa ay magkaisa, maging payapa at may pag- ibig sa bawat isa tulungan natin ang iba na magdesisyon ayon sa pasya ng kanyang puso at ating ayusin ang forum sa ating pagsunod sa mga rules and regulation na tinakda ng administrator o moderator.
Salamat at Mabuhay ang Pilipinas!
Mission: To preach the Gospel (Salvation through the Grace of God through faith to Jesus Christ). Uniting forummer in Truth, Peace and Orderliness.
Vision: We believe in a progressive and meaningful forum through the cooperation of all Filipino and Christian forummer for good.