This was taken from the PINOYDRUMS yahoo egroups.
----
From:
vinci@pldtdsl.net
Subject: [pinoydrums] CUESHE incident
Date: May 30, 2006 11:17:17 AM EDT
To:
pinoydrums@yahoogroups.com
----
Mga kapatid kwento ko lang sa inyo itong nanyari sa akin nung last Saturday.
Nag-back up ako for Ara Mina sa Ratsky Morato.Guest nya yung CUESHE. May 3-4
song number sila in the middle of our set. Para mabilis ang set up, iniwan
ko na yung snare, hhats, ride at pedal ko. Eto na pasok na ang crew ng
cueshe, kinalas lahat ang cymbal stands at naglagay ng sangkatutak na boom
arms at multi-clamps. Ginamit pa din nya yung ride, hhats at snare ko
nagdagdag lang sya ng cymbals nya. After nila tumogs, kinalas na nung crew
nila yung gamit, eto yung badtrip, DI NILA BINALIK YUNG MGA KINALAS NILA
BAGO SILA TUMUGTOG. Naiwan naka kalat yung mga stands nakinalas nila. ginawa
ko kinausap ko yung PA sabi ko, "pre baka naman pwede nyo ibalik yung mga
kinalas nyo." Ok naman yung PA binalik naman nya. Mga brad di ba pag may mga
tinanggal ka na gamit sa drums ng venue ikaw na magkukusa isoli sa set-up
kung paano mo inabutan bago mo ilagay ang mga gamit mo. Respeto lang sa
drummer na susunod sa iyo at respeto na din sa gamit ng venue. Pagtingin ko
sa snare ko puro DENTS yung head. Eh bagong palit pa naman. Nilapitan ko
yung drummer sabi ko, tsong bakit mo naman nilagyan ng dents yung heads
ko.bagong lagay pa lang ito sinira mo na." sumagot sya na papalitan nya.
Nagpalitan kami ng number ng road manager nila at sabi Sunday or Monday
papadala nila yung replacement. Nakakainis dito di naman nya gamit yun
hahatawin nya. At ako more than a year ako kung magpalit ng heads di ako
nagkakadent ng heads. Again respeto lang sa gamit ng iba.kung hindi sa iyo
wag mong WARAKIN. EASY KA LANG DI BA? Galling din ako sa rock na tugtugan
and I consider myself a heavy hitter din. Baka may mali sa pagpalo nya kaya
nagkakadent ang heads sa kanya.
I called the road manager Monday afternoon to ask when will I get my
replacement head, sagot nya dadalhin daw niya sa Ratsky ng gabi. Sabi ko sa
Off the Grill ako that night. So sabi nya dun na lang daw.matatapos na yung
gig ko di pa din dumating, tinext ko pero di sumagot tinawagan ko di rin
sinasagot. Hanggang ngayon wala pa rin akong nakukuhang reply sa kanila. DI
KO NA HAHABULIN YUN.SA KANYA NA YUNG 600 PESOS NA PAMBILI NG HEADS, basta sa
akin nakatatak na KUPAL sya at yung road manager nya. head lang yun. Baka
nga bigyan ko pa sya para magpraktis sya kung paano pumalo ng tama!
Eto pa kwela, may nakausap ako na events organizer nung SMB Octoberfest, may
sinira din daw na drums yan nung octoberfest.kaya ingat kayo kung
makaka-alternate nyo yung drummer ng CUESHE, baka wasakin pa gamit nyo nyan.
Kung may nakakakilala sa inyo dun sa drummer na yun paki-forward itong
e-mail sa kanya. hehehehe. Mga kapatid tandaan lang natin RESPETO lang sa
kapwa nating drummers.
Vinci Rodriguez