Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter Twenty Five
(close-up) Ann : (lumuluha talaga)
Paul’s voice : ahas lang yan Ann
Christoper’s voice : oo nga, king cobra lang yan
Ann : gusto ko nang, (iyak) umuwe (iyak)
(showing the king cobra again)
(cut)
(Christoper, nakaupo sa simento, may iniinom)
Christoper : ganyan lahat ng mga babae, iiyak na lang para makalusot kunware
Paul’s voice : sa tingin mo, hahawakan nya?
Christoper : kung ako nga layon nahawakan ko, ahas pa kaya … ahas lang yan
Paul’s voice : oo nga, king cobra lang yan … ako nga dalawang tiger … sa may CR ng mga babae
(cut)
(same spot, naglalaro ng PSP si Christoper)
Christoper : …
Paul’s voice : … Tupe, gagawin na daw
Christoper : (habang naglalaro) hindi nya gagawin
Nelson’s voice : Paul! eto na!
Paul’s voice : ayan na, sabi ko sayo eh
Christoper : (tumingin kayla Nelson)
(cut)
(Ann about to touch the king cobra)
Ann : may lason ba yan? (habang luha-luha pa rin)
Nelson : di bale, may paramedics tayong naka-standby
Ann : (umiiyak ulit and then about to touch the head of the cobra pero hindi tumitingin, dahan-dahan lang)
King cobra : hiss!
Ann : (malapit na sanang mahawakan yung ulo ng king cobra)
(tinuklaw bigla sya ng ahas)
Ann : hah---!!! (umiyak nang malakas habang kagat-kagat pa rin ng ahas … tumakbo papalayo)
Nelson : (nilapitan agad si Ann)
Ann : tanggalin mo! tanggalin mo---!!! (hagulgol sa iyak) hu---, Mama, Mama ko---
Christoper : (nakatingin kay Ann)
Nelson : tigil na, okey na okey na
(close-up sa duguang kamay ni Ann)
Ann : (umiiyak pa rin)
Nelson : boss yung gamot
(tinulungan na ng paramedics)
Ann : ‘sob’ ‘sob’ gaganti rin ako sa inyo, kala nyo hu--- (hagulgol sa iyak … nagpapawis pati)
Christoper : (natatawa)
Nelson : walang may gagantihan, project to, para sa school (napapangite)
Ann : kala nyo hu--- (iyak)
(fading screen)
(other location)
(sa bakuran ng bahay ni Nelson)
(night … nag-iinuman sila Christoper, Paul, Ann at Trevor sa lamesa)
Paul : … alam mo na ba Ann yung nagawang video tape na kumukolekta ng memorya?
Ann : hala! video na ano!? (natatawa) ano bang pinagsasasabi neto?
Paul : tanungin mo si Tupe, alam nya
Ann : saan nyo ba nakukuha yung mga ganyang nonsense?
Christoper : ikaw nagpapaniwala ka pa, laki-laki mo na
Paul : ay ayaw maniwala, bahala ka
Ann : ba’t ano ba yun, sige nga, gusto naming malaman ni Trevor
Paul : may video tape sa ibang school na kumukolekta ng memorya tapos …
Christoper : hindi kumukolekta … bumubura, tapos pinapalitan ng bago
Paul : ikaw kasi magkwento
Ann : (natatawa)
(then Nelson came with new bottles of beer sa case)
Nelson : (umupo na, namigay ng beer sa lahat) … sinong may gustong i-toast?
Christoper : ako … once again, ang galing nating matalo
Ann : (natawa) toast!
(nag-toast silang lahat)
Ann : ay Paul, (may kinuhang signature polo) ikaw na lang yung walang dedication dito (then binigay)
Paul : akina … (may binasa muna) ano to? Dear diary, may crush ako sa kaklase ko … Christoper ang pangalan, hindi naman cute, pogi kasi sya … alam mo, sa tingin ko, hindi kami bagay … mayaman kasi ako, mas mayaman sya … langit ako, galaxy naman sya … hindi kami magka-level … kasalanan lahat ng parents ko to, kailangan silang mamatay! papatayin ko sila! papatayin ko sila mamaya, period … P.S. kapag may nag-imbistiga, hindi mo ko kilala … I love me, Ann
Nelson : (natawa)
Paul : sinulat mo to Ann?
Ann : abnormal yan si Christoper eh
Christoper : (nodding no)
Paul : hindi naman daw
Ann : ay Christoper, di ba kaklase nyo ni Paul si Chester sa Finance?
Christoper : oo baket
Ann : hay--- ang gwapo rin nun … kakilala nyo ba yun? pakilala nyo naman ako
Paul : (habang nagsusulat) sino daw
Christoper : si Chester, yung kapag nagre-recite sa harapan ng klase, sinisigawan ng, gawing ama na yan … gawing ama na yan!
Paul : maangas yun ah
Christoper : (agreeing gesture) … pero balita ko kapag natitigan ka daw nya, automatic na bubuka daw mga hita mo ready to use
Paul : (napangite)
Nelson : ba’t sino ba yon
Ann : si Chester
Christoper : akala ko ba kay Warren ka
Nelson : sino naman yon
Christoper : si Warren, mahangin din yun eh, kaya nga hindi ako nagsasasama don, over confident masyado ang bata
Ann : natatakpan ba ang beauty mo?
Christoper : yes (depress)
Nelson : mabango pati kaysa sayo?
Christoper : yes (depress)
Paul : di ba pinatira kayo sa kanila nung minsang masunugan kayo?
Christoper : teka lang … yes
Nelson : mabait naman pala anong problema mo?
Christoper : masyadong gwapings lang yung bata, galit ako sa kanya
Ann : eh di galit ka rin kay Paul?
Christoper : … now loading
Paul : …
Christoper : waiting to receive a message
Paul : …
Christoper : … message failed
Paul : i-yes mo (pinipindot si Christoper)
Christoper : never!
(may pumapasok sa gate … Mama ni Nelson, may hawak na sigarilyo at alak)
Christoper : Nelson (tinuro Mama ni Nelson)
Mom : uy! (ngite habang lasing)
Nelson : (pinuntahan Mama nya) Ma
Mom : anak, may mga bisita pala tayo, ba’t hindi mo sila papasukin sa loob ng bahay?
Nelson : mas mahangin dito, kayo na lang pumasok sa loob lasing na naman kayo
Mom : hindi ako lasing (tungga)
Nelson : (kinuha yung bote at sigarilyo ng Mama nya)
Mom : hindi ako lasing … kukuha lang ako ng pera ulit, magma-mahjong pa kasi Mama mo anak … sa tingin ko kase, swerte ako ngayon (habang naglalakad)
Nelson : (medyo galit) matulog na lang muna kayo ngayon
Mom : hinde, hindi ayoko … o! eto pala si Trevor, boyfriend mo
Trevor : (tumayo) good evening po
Nelson : Ma tara na
Mom : teka, kakausapin ko lang muna sya
Nelson : … (nagkamot ng ulo)
Trevor : (ngumingiti lang)
Mom : alam mo ba Trevor, bago ka dumating sa buhay namin, aba! rebelde tong gagong to--- (binabatukan si Nelson) yung tipo bang patapon na buhay lage … yung motorsiklo nya, boom! isinalpak sa rumaragasang kotse, lumipad! kasama to, buti na lang nabuhay pa tong gagong to--- (binabatukan ulit si Nelson)
Nelson : Ma!
Mom : hindi ko alam kung anong ginagawa mo pero simula non, nagtino! ano bang meron ka na wala ako ha?
Trevor : … ginugulpi ko po yan kapag hindi matino
Mom : ay gulpihin mo! sige! gulpihin mo! … ako? matanda na ko, hindi na kaya ng mga buto ko at ng Daddy nya sya (tapos lumayo, pumunta sa gilid, sumuka)
Nelson : (inangat yung buhok ng Mama nya)
Mom : (umiiyak na) anak mahal na mahal kita … mahal na mahal (and so on… paulit-ulit habang nagdidiliryo)
Nelson : opo opo (hinahatid Mama nya sa bahay)
Christoper : (ngumingite habang tumatawa ng tahimik)
Ann : bakit ka tumatawa?
Christoper : (nodding no then uminom pero natawa, kaya tumapon yung ininom sa bibig nya)
Ann : ay Christoper pasayaw (pinupunasan sarili)
Paul : umayos ka nga!
Christoper : laughter is the best medicine! tumawa rin kayo … kaya nga yung kapitbahay kong may sakit pinapatawa ko lagi, kaso namatay sya sa kakatawa
Paul : ang alam ko namatay lang yon
Christoper : … ganun ba, kaya pala nung sumisigaw sya ng tulong sabi ko lang shut up! may joke ako! pero tumahimik na sya pagkatapos, ang akala ko natulog lang
(Nelson approaching)
Nelson : teka, bibili lang ako ng gamot
Trevor : samahan kita
Nelson : (habang umaalis) hindi na, sandali lang ako
Paul : … ay oo nga pala, may kaninang tanong sa biology what is the largest organ … ang sinagot lungs daw, hindi ko alam kung paying attention yung teacher pero nag-agree (natawa)
Ann : ba’t ano ba dapat
Paul : tanungin natin si Professor Christoper … Professor?
Christoper : yes, well, as a matter of fact, kapag minaynus mo yung kilikili mo, sa singit mo, ang sagot ay skin, skin ang largest organ people
Paul : galeng … palakpakan natin
Christoper : natutunan ko yun nung first year highschool pa ko sa gym teacher namin … pero ang ipinagtataka ko kailangan pa namin matutunan yon sa isang madilim na lugar, nang nakahubad, at saka yung teacher may dala-dalang lotion
Paul : (awkward face)
Christoper : ang hindi ko talaga maintindihan, kung bakit nangangamoy yung mga patay na tao
Ann : syempre nabubulok yung laman
Christoper : … akala ko para lang hindi tayo makipaghalikan sa kanila habang walang malay
Paul : (napangite)
--- end of Chapter Twenty Five ---
Click here for ALL CHAPTERS
ALL CHAPTERS