Results 1 to 9 of 9
  1. #1

    Default GALING SA MGA TAGA MIDDLE CLASS! Please read!


    Ako ay isang middle class Pinoy, isang officer sa isang malaking
    korporasyon at may asawa...dalawa anak. Di na importante pangalan ko
    kasi parepareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti
    tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na,
    pag wala na pera intay nalang ng sweldo.

    Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay maingay
    at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys
    ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito.
    Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham ko

    sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na
    pag-iisip.

    Sa Mga Politiko:

    Diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo
    makuntento kelangan nyo pa ba manggulo.

    Sa Administrasyon:

    Hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon,
    pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya
    sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno
    at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman
    naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.

    Saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007,
    tignan mo, i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo,
    resounding YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power
    laban sayo. Try mo lang.........

    Sa Oposisyon:

    Di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa
    inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited
    na reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate.

    Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon,
    pumi li muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon.
    Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos.
    Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa
    likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing
    bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi
    reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong
    batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa
    salita at sa gawa.

    Please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga
    bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga
    rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag
    nagrarally kayo yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong
    nagrarally!! Nung
    People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.

    Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang
    middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang
    mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan.
    Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na
    kami e, sori ha.

    Sa Military:

    Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus
    na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo
    ba sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....yan
    dapat ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di
    kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang
    nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military
    ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo.
    Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great
    responsibility".....kaya
    maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang
    natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami
    wala.

    Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa
    e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman silang email.

    Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email nalang tayo
    kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa
    nito at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.

    Signed,
    Isang Middle-Class Pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng
    Buwis!

  2. #2

    Default Re: GALING SA MGA TAGA MIDDLE CLASS! Please read!

    daghanang version ani oist

  3. #3

    Default Re: GALING SA MGA TAGA MIDDLE CLASS! Please read!

    girespito nako ang imong gibati bro....

    ayaw lang ug kawala sa pag la-om...

  4. #4

    Default Re: GALING SA MGA TAGA MIDDLE CLASS! Please read!

    mao juD!

  5. #5

    Default Re: GALING SA MGA TAGA MIDDLE CLASS! Please read!

    asa man ka side? PILI-A ASA IMO BARUGANAN!
    DAPAT PRO-ADMIN KA. KAY ANG OPPOSITION ILANG GIBUHAT FOR GRANDSTANDING LANG.
    PAMUGASPUGAS PARA MAILHAN.KUNG MAKAPUWESTO NA ILA GILABANAN KUNOHAY, MADA SILA.
    AGAIN MAKE A CHOICE BETWEEN GOOD OR EVIL. BASIN PAREHA KA SA PULITIKO NGA WAY BARUGANAN. SAMA NILA DRILON,PIMENTEL,GUINGONA PAGPALAGPOT NI ERAP DIDTO PAS EDSA.
    KARON KONTRAHAN NA SAD SI GMA.WAY KLARO SIGE LANG REKLAMO. NAA MAN UNTA SILAY PUWESTO!
    ( OPINYON LANG)

  6. #6

    Default Re: GALING SA MGA TAGA MIDDLE CLASS! Please read!

    nge tagalog version naman ....this is an old crap...

  7. #7

    Default Re: GALING SA MGA TAGA MIDDLE CLASS! Please read!

    no use reacting coz u won't be heard anyway .. mahurot nalang cguro ug larga sa gawas ang mga professional pero ang pilipinas dli pa jd mo asenso ... trend naman ni sa pinas karon ..

  8. #8

    Default Re: GALING SA MGA TAGA MIDDLE CLASS! Please read!

    I just wait the malacanang and batasang pambansa to be nuked anyway...

  9. #9

    Default Re: GALING SA MGA TAGA MIDDLE CLASS! Please read!

    Quote Originally Posted by Wind Shear
    I just wait the malacanang and batasang pambansa to be nuked anyway...
    sus mag wait paka ug siyam-siyam ... asta gaba dli na na cla tablan!! pwera gaba ..

  10.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. Sa mga taga IT Park, asa mo tigkan-anan?
    By epoyking in forum Food & Dining
    Replies: 228
    Last Post: 06-03-2013, 11:26 PM
  2. Para sa mga taga-Bohol
    By pinoyoutdoor in forum Websites & Multimedia
    Replies: 6
    Last Post: 09-11-2012, 08:22 PM
  3. Looking For: SA MGA NANGITA UG CAGE.!! please read!
    By buruguduy21 in forum Pets
    Replies: 4
    Last Post: 01-08-2011, 02:08 AM
  4. Replies: 7
    Last Post: 06-12-2009, 01:50 PM
  5. para sa mga taga-Oriental Negros
    By tata jingle in forum General Discussions
    Replies: 1
    Last Post: 07-19-2008, 11:24 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top