Results 1 to 2 of 2
  1. #1

    Default Kwela Nobela : Chapters 56 - 57


    Short Film Coming : Negative One
    " Ang Pagbabalik "
    Chapter 56

    (other location)
    (motorcycle repair shop)

    < Rex > : ah Boss, nagpapa-repair po ba tong kaibigan namin ng motorsiklo nya sa shop nyo? (binigay yung picture)
    < Owner > : … teka, si Anton to ah tama ba?
    < Rex > : opo, tama po
    < Christoper > : ah Nong, nagpupunta pa po ba sya dito?
    < Owner > : hindi na, matagal na … ilang araw na ring ngang napapansin ko, hindi na nagpapa-repair dito yan
    < Rex > : ganun po ba … sige po, salamat na lang po
    < Ann > : saan pa po merong repair shop? napagtanungan na po namin kasi yung iba dito
    < Owner > : sinubukan nyo na ba sa Magallanes?
    < Christoper > : alam mo ba yung Magallanes Ann?
    < Ann > : (nodding yes)
    < Rex > : thank you po ulit Manong
    < Owner > : o sige anytime, pakisabi na rin kay Anton, susubukan ko syang bigyan ng discount magpa-repair lang sya ulit dito, okey?
    < Rex > : opo, makakarating po
    < Christoper > : ah Manong, bago kami umalis … pwede po bang gumupit ng kapiraso ng buhok nyo, pang-souvenir
    < Owner > : (awkward face) … o sige
    < Christoper > : nice! teka lang po (kumuha ng gunting)
    < Ann > : nakaka-album na yata tong si Christoper ng mga buhok
    < Rex > : nabalitaan ko nga pala yung ginawa nyo ni Tupe sa museum, ako na nagpatuloy pagkatapos
    < Ann > : nagawa mo?
    < Rex > : ako pa
    < Ann > : nasan na ngayon yung byulin?

    (before)
    (hospital lobby)

    < Rex’s voice as Narrator > : sabi nung nagbabantay ngayon ng bahay naging malala daw yung pakiramdam ni Lola nitong mga nakaraang araw kaya dinala sya sa ospital
    < Receptionist > : kaanu-ano ka nya?
    < Rex > : ah kaibigan lang po
    < Receptionist > : um-hm … kapag may nagtanong, apo ka nya, maliwanag? lumalala na kasi pakiramdam ni Lola, kailangan nya ng mga katulad mo sa mga huling sandali nya (binigyan ng visitor’s ID)

    (patient’s room)

    < Lola > : … (nagpapahinga sa kama)
    < Rex > : ah Lola, ako po to
    < Lola > : … iho, lumapit ka pa para marinig kita
    < Rex > : ah La, dala ko na po yung byulin na hinahanap ninyo (binigay)
    < Lola > : ang byulin ko? … ang byulin nga ng pamilya ko to (then lumuha)
    < Rex > : …
    < Lola > : (kinapa pisngi ni Rex) salamat, salamat at naging napakabuti mo sa kin … Christoper
    (then ‘flat line’ sound)
    < Rex > : … (hinawakan kamay ni Lola pabalik sa byulin)

    (back to them)

    < Ann > : ‘gasp!’, namatay na si Lola?
    < Rex > : hindi ah … yung katabing pasyente ang nag-flat line, hindi kasi naka-private room si Lola eh

    (other location)
    (campus ground)

    < Ann > : … (walking and then noticed Christoper from afar)
    (bench)
    < Elvis > : (may binabasang papel) di ko magets tong bagong project na gagawin nyo
    < Christoper > : (habang nagte-text) di mo magets
    < Elvis > : … ahh---, binaliktad nyo lang … galing ah, sinong nakaisip nito?
    (enter Ann)
    < Ann > : Tupe, asan si Paul? ito na kasi yung sapatos
    < Christoper > : tignan mo sa CR ng mga babae, malamang don na naman tumatambay yon

    (other location)
    (CR ng mga babae)

    < Mia > : (ginagamit yung pocket mirror para manilip sa tapat ng ilalim ng stool habang may umiihing babae)
    (enter Ann)
    < Ann > : Paul, anong ginagawa mo?
    < Mia > : (nagulat) sshhh! wag kang maingay
    < Ann > : …
    < Girl’s voice > : excuse me? may lalake ba dyan? narinig ko Paul ah
    < Mia > : ah wala, wala na miss, sinipa ko na papalabas … (then mahinang boses) pwede ba wag nang Paul ang itawag nyo sa kin … pati mga kaklase natin nawi-wirduhan na sa kin
    < Ann > : eh wirdo ka naman talaga kahit nung dati pa
    < Mia > : bakit ba
    < Ann > : ito, naihanap na kita ng size mo (pinakita yung sapatos)
    < Mia > : hills yan Ann, hindi ko alam yan
    < Ann > : kaya nga tuturuan kita … wala ka na ring pilay kaya tara

    --- end of Chapter 56 ---

    Short Film Coming : Negative One
    " Ang Pagbabalik "
    Chapter 57

    (blackscreen)

    SELF AWARENESS

    (edit screen)
    (Mia is in sexy dress, seducing gestures)

    < Lady Narrator’s voice > : panget panget panget bakit ako panget panget panget bakit ako panget, panget? panget panget bakit ako panget panget panget bakit ako panget panget panget bakit ako panget bakit ako panget bakit ako panget

    (Mia’s room, in a sexy dress, in a sexy attitude, natutuwa sa sarili at naging pangit sya … nagsusuklay ng buhok, nakaupo nakaharap sa salamin)

    < Mia > : Mama, bakit ako panget? (nakangiti sa salamin)
    < Ann > : maswerte ka anak at naging pangit ka … hindi katulad kong maganda lang, ang Papa mo lang ang nangligaw sa akin
    < Mia > : (humarap kay Ann) Mama, kahit maganda ka lang, mamahalin pa rin kita Mama (niyakap yung nanay)
    < Ann > : hindi ako karapat-dapat sayong pagmamahal anak pero sige, tatanggapin ko ... maswerte ako’t naging anak kita
    < Mia > : oh Mama

    (other location)
    (Mia in a sexy dress and in a sexy attitude, naka-hills, passed two good-looking guys and stop not far from them)

    < Mia > : (smiling, waiting for them to take a move on her)
    < First guy > : pare, pangit o, dyan ka na liligawan ko lang to
    < Second guy > : nasisiraan ka na ba ng bait? eh ang pangit nyan! a-ko! ako ang mas magugustuhan nyan hindi ikaw! (tulak sa isa)
    < First guy > : eh ikaw pala tong siraulo eh, sa kin yan! (sinapak sa mukha yung isa)
    < Second guy > : akin! (suntok)
    < First guy > : akin sabi! (suntok)
    (while they’re fighting, Mia laugh once and pose to the camera like a model, sinasabayan ang lyrics)

    < Lady Narrator’s voice > : panget panget panget bakit ako panget panget panget bakit ako panget panget panget bakit ako panget panget panget bakit ako panget … bakit ako panget

    < Mia > : … (after the final pose, she leaves and the two guys are still fighting in the background)

    (other location)
    (Mia’s house)

    < Ann > : asawa ko! tignan mo, ang anak natin! nasa TV!
    (enter Christoper)
    < Christoper > : nasaan? aba’y oo nga noh … anak ko yan! anak ko yan! (nangingiti habang tinuturo yung TV)
    < Ann > : (natutuwa rin)

    (sa TV news … interviewing Mia by lots of press people)
    (Mia has a scepter and crown and cape and has a sash of Miss Universe)

    < Reporter’s voice > : anong pakiramdam bilang naparangalang pinakapanget sa buong mundo?
    (flashes of camera)
    < Mia > : hindi ko inaasahang mananalo talaga kase, napakarami naman talagang pangit galing sa, iba’t ibang bansa … siguro, nangingibabaw lang talaga ang kapangitang taglay ng Pilipinang katulad ko … at ipinagmamalaki ko naman na talagang pangit, ang lahat ng Pilipina, sa buong Pilipinas, maraming salamat po (smile)
    (flashes of camera)

    (back to Ann)

    < Ann > : totoo yun totoo yun … napakadakila ng sinabi ng anak natin sa TV … sayang, sana naging pangit din ako
    < Christoper > : ako rin

    (other location)
    (midnight)
    (Mia is walking in the street alone, wearing the crown, scepter, sash, and cape)

    < Mia > : (naglalakad pauwi)
    (may mga sunog-baga na mga lasing ang nakapansin sa kanya)
    < Unang lalake > : pare, pangit ang isang ito oh, tara lapitan natin
    < Mia > : (napatigil)
    < Unang lalake > : miss, pwede bang magpakilala
    < Mia > : hindi pwede, pauwi na ko
    < Pangalawang lalake > : ang suplada pare
    < Unang lalake > : miss, ang suplada mo naman, parang nagpapakilala lang kami ah
    < Mia > : pwede ba, lumayo kayong lahat sa akin
    < Unang lalake > : (inamoy yung leeg ni Mia)
    < Mia > : ano ba! bastos! (sinampal yung lalake)
    < Pangalawang lalake > : sinampal ka pare, kitang-kita ko sinampal ka
    < Unang lalake > : (nangiti) alam mo bang mas gusto ko tulad mo, pangit na, palaban pa! hahahaha (then pwersahang hinahalikan yung leeg ni Mia)
    < Mia > : aah! lumayo ka! lumayo kayo! (tinulak then patakbo na sana)
    < Unang lalake > : (hinawakan siko ni Mia) saan ka pupunta! haha!
    < Mia > : bitawan nyo ko! bitawan nyo ko ano ba!

    < Man’s voice > : bitawan nyo sya!!!
    < Everybody > : ..!

    --- end of Chapter 57 ---

    FOR ALL COMPILATION click here
    http://shortfilmcoming.forumotion.net/forum.htm


    continuation once a week
    enjoy people

  2. #2
    ... ewan ko lang kung nakita nyo to

    kakaibang pokemon battle kasi ito, nakakatawa ginamit na moves

    YouTube - Noteworthy - Pokemon Theme

  3.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. Kwela Nobela : Chapters 34 - 35
    By delay in forum Humor
    Replies: 1
    Last Post: 10-31-2009, 08:07 PM
  2. Kwela Nobela : Chapters 32 - 33
    By delay in forum Humor
    Replies: 2
    Last Post: 10-31-2009, 08:05 PM
  3. Kwela Nobela : Chapters 29 - 31
    By delay in forum Humor
    Replies: 4
    Last Post: 10-25-2009, 04:29 PM
  4. Kwela Nobela : Chapters 25 - 26
    By delay in forum Humor
    Replies: 2
    Last Post: 01-25-2009, 10:36 PM
  5. Kwela Nobela : Chapters 23 - 24
    By delay in forum Arts & Literature
    Replies: 1
    Last Post: 01-20-2009, 02:03 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top