(UPDATE)
Isa pang matandang lalaki ang pinakawalan ni dating S/Insp. Rolando Mendoza na kasama sa mga hinostage nito sa loob ng isang tourist bus sa Luneta.
Ang pinakahuling hostage na pinalaya ay nakilala kay Mr. Lee, 73-anyos.
Una nga rito ay apat pang mga hostage victims ang pinalaya ng hostage taker na si dismissed S/Insp. Rolando Mendoza mula sa 25 mga biktima na karamihan ay mga Chinese nationals at tatlo sa mga ito ay Pinoy.
Ang pinakaunang napalaya ay dalawang hostage victims na pawang mga babae. Sa kabuuan, apat adult ang pinalaya at tatlo naman ang mga bata.
Sa report ng
Bombo reporters sa site, ongoing pa ang pakikipagnegosasyon sa suspek habang nasa loob ng isang bus na naka-park sa harapan lamang ng Quirino Grandstand sa Rizal Park (Luneta) lungsod ng Maynila.
Armado ng matataas na kalibre ng baril tulad ng M16 rifle ang suspek at naka-camouflage uniform.
link >>>>>
http://www.bomboradyo.com/index.php/...ta-pinalaya-na