Just want to share this article to all istoryans, taken from the newspaper mga bro! read it until the last paragraph.....
Ako ay isang middle class pinoy, isang officer sa isang malaking
korporasyon at may asawa...dalawa anak.Â* Di na importante pangalan ko kasi
parepareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti tapos
uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na, pag
walana pera intay nalang ng sweldo.
Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay maingay at
naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys ang
di naririnig.Â* Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito.Â* Pag
may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan.Â* Kaya eto ang liham ko sa
lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na
pag-iisip.
Sa Mga Politiko
- diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo makuntento
kelangan nyo pa ba manggulo.
Sa Administrasyon:
- hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon,
pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya
sananaman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno at
malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman naman
namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.
- saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007, tignan
mo, i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo, resounding
YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power laban sayo.
Try mo lang.........
Sa Oposisyon:
- di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa
inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na
reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate.
- Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon, pumili
muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon. Hirap
sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos.
Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa
likod
ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing bago
nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi
reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong
batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa
salita at sa gawa.
- please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga
bayaran
na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga rallyista
para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag nagrarally kayo
yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong nagrarally!! Nung
People
Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.
- Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang
middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang
mgarallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan. Kung
gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na
kami e, sori ha.
Sa Military:
Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus na
patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo ba
sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....yan dapat
ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di
kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang
nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military ng
lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo.
Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great
responsibility".....kaya maging spiderman kayo lahat at protektahan ang
mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may
baril kayo at tangke, kami wala.
Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa e,
may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman sila email.
Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email nalang tayo
kaya
ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa
nito
at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.
Signed,
Isang Middle-Class pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng
Buwis!