Nickname: sueboy
E-Mail:
Website if any: http://geocities.com/selaplana/conte..._na_naman.html
Referred By: Surigao Chatters
Home town/Province: Surigao
City/State/Country:
Comments: i wrote a poem last december which was dedicated to all of us... read it at the above link. thank you to all kababayan....
------------
Pasko Na Naman
by sel77, December 10, 2002
Pasko na naman,
Ang sanlibutan ay magdiwang,
Magkainan, Mag-inuman,
Magbigayan, Magtagayan.
Pasko na naman,
Pinagdiwang ang kaarawan,
Cristo nila ay isinilang,
Sa petsang gawa-gawa lamang.
Pasko na naman,
Mga tao'y nagbigayan,
Sige, kahit bulsa walang laman,
Pakitang tao lamang.
Pasko na naman,
Mga tao'y mukhang pulubi na,
Nangangaroling upang kikita,
Tatanggap ng pagkain o pera.
Pasko na naman,
Kampana'y umalingawngaw,
Mga tao'y ginigising, hinihila,
Dadalo sa Simbang-Gabi sa Umaga.
Pasko na naman,
Mga tao'y nagsisimba,
Pagkatapos ay lalabas na,
Pasok sa Disco sa tabi ng Parokya nila.
Pasko na naman,
Ikaw ay maghanda,
Kamay mo'y kompleto pa,
Putol na yan, mamaya.
Pasko na naman,
Isuot mo na,
Sombrerong metal gaya ng gamit sa kusina,
Sa ulo mo ang bala ay di tatama.
Pasko na... Oo Pasko na!
Turotot mo kunin na,
Pag-iingay simulan na,
Magising asawa sa panonorotot niya.
O ano?!? Pasko na!
Magsasaya ka pa ba?
Magdiriwang ka ba?
Oh di ba?!?
Oo Pasko na nga,
Mas mabuti iwasan mo na,
Wag makiisa sa kanila,
Mga gawa ay walang kwenta.
link : http://geocities.com/selaplana/conte..._na_naman.html