Hindi ka naman pinilit na gawin mo to perfectly as Christ did, kasi di naman tayo perfect.
Pero anong sasabihin ng mga kakilala at kaibigan mo kung KARNAL ka at IPOKRITO?
Bakit ka pa nagsisimba? Bakit ka pa tinawag na mananampalataya ni Hesus?
Kung idadahilan mo na dahil Masaya ka dun dahil sa istorya ng buhay mo? Mali yun!
Ang tunay na naglilingkod sa DIYOS ay sumusunod ng walang anumang pagkukunwari…
Ang tumutulong sa KAPWA ay hindi para sa sariling puri, panghangad ng kapangyarihan, kayamanan o kasikatan.
Kundi mabuhay ng naayon at dapat, btw. Ikaw ay may kalayaan na pumili at gumawa ng gusto mo,
Pero sasayangin mo ba ang oras at panahon mo sa pagawa ng KASALANAN AT KASAMAAN?
Kung napipilitan ka at nagsawa na, wag ka ng magbanal banalan pa, “you will be accountable to the Lord…”
Ngayon hinatulan ba kita sa sinabi ko? Malinaw ang saway ng Diyos ay mabuti…
Ang pagpapala niya para sa mga matuwid at parusa sa mga masasama!
Wag mo siyang I blame kung mapahamak ka man, paulit ulit nalang ang mga paalalang ito para gumising ka at mailayo sa mali para sa ikabubuti mo kapatid.
Kaya wag mo sanang PAGISIPAN NG MASAMA, though hindi kita nakikita at di tayo close, alam ng Diyos at iyo ay babala sa mga SUWAIL at WORLD COMPROMISER!
Tandaan sana natin na kahit nasa makabagong panahon na tayo sa modernong mundo, ang salita Niya ay patuloy na buhay at NANGUNGUSAP sa iyo.
Maraming napupunta sa IMPYERNO, dahil wala si Hesus sa puso nila t di pananampalataya…
Pero ikaw kaibigan pinaalam mo bas a kanila? O maganda ba ang testimonyang pinapakita mo?
SIYASATIN MO ang puso mo, baka may kulang… o baka wala pa si HESUS SA PUSO MO?