And how certain are you ? I am not saying that they do but like you spit out something that is very certain . How can you prove that such claim ?Originally Posted by Zirv
And how certain are you ? I am not saying that they do but like you spit out something that is very certain . How can you prove that such claim ?Originally Posted by Zirv
" A well regulated militia being necessary to the security of a free State, the right of the People to keep and bear arms shall not be infringed. " - 2nd Amendment , Bill of Rights of the United States of America
Bakit ganyan si GMA?
Jake Macasaet
Bakit po naman ganyan kayo, mahal na Pangulo? Gagawa kayo ng truth commission dahil sa sabi ninyo, hindi na ninyo matatalikuran ang sigaw ng bayan na mag-resign na kayo.
Akala ko ba naghahamon ang mga amoyong ninyo na ipa-impeach kayo kung kaya nila. Ngayon, iba naman ang ginagawa ninyo. Magtatayo ng truth commission.
Hindi naman po kailangan iyan. Ang mas makatarungan ay ang impeachment. Naghahamon kayo, di po ba?
Noong matunugan ninyo na baka nga matuloy ang impeachment, iniba naman ninyo ang usapan. Sa truth commission kayo gustong lumusot. Baka po hindi mangyari ang iniisip ninyo.
Maniwala po kayo o hindi, ang hinala ng tao ay "lutong macaw" ang truth commission na itatayo ninyo. Wala silang makikita na pagkakamali o kasalanan na ginawa ninyo.
Kung ganoon, di sige na. Kaya lang, sino ang maniniwala na wala nga kayong pagkakamali, lalo na noong nakaraang halalan. May dayaan daw po.
Tama naman po kayo na hindi ninyo dapat ipagwalang bahala ang sigaw ng tao na kayo ay bumaba na. Pero, wala naman kayong balak na bumaba. Ang inyong tugon sa sigaw ng bayan ay ang pagtatayo ng truth commission.
Siguro maniniwala kayo na malilibre kayo kung sabihin ng truth commission matapos ng isang malawakang imbestigasyon, na wala naman kayong ginawang paglabag sa batas o pandaraya.
Naroon na kami. Ang malaking problema po, ay walang maniniwala sa report na iyan.
Ipagpalagay natin na makita ng truth commission na tahasan nga ninyong nilabag ang batas, anong kapangyarihan mayroon ang nasabing commission para kayo ay parusahan. Wala po.
Puwedeng irekomenda ng commission ang impeachment. E, impeachment din pala ang kalalabasan, bakit may truth commission pa. Naghamon po kayo ng impeachment. Ipatuloy ninyo sa House of Representatives.
Sana, kahit alam ninyo noong maghamon kayo na marami kayong kakampi sa House, di na sana kayo nagsalita. Iyan, tuloy ang balita na makukuha yata ang tamang bilang ng mga Kongresista para kayo ay ma-impeach.
Ipapadala sa Senado ang "articles of impeachment" na nagpapaliwanag ng umano ay paglabag ninyo sa batas, kaya nga dapat kayo ay ma-impeach.
Iyang impeachment trial ay pulitika rin. Kahit mabigat ang mga patunay sa pagkakasala o paglabag sa batas, ang husgado ay isang desisyon ng mga pulitikong senador.
Kailangan yata ay 16 na senador ang bumoto para mahusgahan kayo na nagkasala.
Kung hindi makuha ng minority ang dami ng senador na iyan, libre na po kayo.
At kung hindi naman matuloy ang impeachment dahil sa pakikialam ng mga pulitiko na kakampi ninyo, hindi kayo puwedeng sampahan ng demandang impeachment sa loob ng isang taon.
Di, sana po, ipatuloy na lang ninyo ang impeachment. Sa ganoon, makikilala namin kayo na tunay na lider. Manindigan kayo at ipagtanggol ang sarili. Manalo matalo, bayani kayo dahil hinarap ninyo ang katotohanan.
Pero kung pagtatakpan o maaatraso ang impeachment dahil sa truth commission, lalo pong kayong malulubog sa aming paningin. Kasi po halata na ang truth commission ay gimik lang para tumagal pa kayo sa upuan sa MalacaƱang.
Noon pong patalsikin ninyo si Pangulong Erap, sabi ni yumaong Cardinal Sin ay ang boses ng tao ay boses ng Dios. Eh, tao rin naman po kami, ah. Kaya nga lang hindi mayayaman tulad ng mga taga-Makati Business Club na sumuporta sa inyo noon.
Palagay ninyo ba sila ay kakampi pa rin ninyo ngayon.
Mahal na Pangulo, may buhay pa po na matiwasay at tahimik, pagkatapos ng Panguluhan. Pag-isipan po ninyo alang-alang sa bayan at pamilya ninyo.
Iyan pong truth commission ay pang-iinsulto sa amin. Pag-iwas sa tunay na isyu ng pandaraya at kurakutan. Iyan po, lamang. Salamat po.
SPRINGFIELD_XD_40 said:
And how certain are you ? I am not saying that they do but like you spit out something that is very certain . How can you prove that such claim ?
I don't see any british investments coming to our area...The British aren't vocal about our country...The Russians don't have any contract with the goverment so I don't see any conflict of interest....The Russians are enjoying their OIL bonanza.. They don't need the Philippines for anything
The PROBLEM here is we always have question on authenticating ALL the TAPES...As they say sa CONGRESS "We have to cross the bridge to get there".....
Similar Threads |
|