Parang ganito ang nakikita kong scene sa isang shop pag "binisita" ng IP Coalition:
IPC = Bossing, congrats! Ayos ang shop mo, compliant ka.
Shopowner = Uy, salamat po sir! Talagang pinagsikapan ko po yan. Umutang pa nga ako para makabili ng orig na software.
IPC (sabay abot ng sticker) = Eto po seal niyo...P5,000 lang po.
Shopowner = Ha?? Teka...para saan ito?
IPC = Ah...para po di na kayo ma-raid. Para di na kayo maabala.
Shopowner = E, bossing, nainspeksyon niyo na ako a...bakit magkakaroon pa ng tsansang ma-raid pa ako?
IPC = E sir, kasi kung wala kayo nito, papasukin pa rin kayo ng raiding team.
Shopowner = Sir, di ba kayo magtatago ng record na nabisita ninyo na ako at nakita ninyong compliant ako? At tsaka, nasa database naman yata ako ng Microsoft na bumili na ako ng orig na OS nila a? Wala bang halaga yun?
IPC = E sir, ganun talaga. Dapat meron kayo nito. Puwede naman kayo di kumuha, yun nga lang....puwede pa rin kayo mapasok ng raiding team pag wala kayo nito. Maaabala pa kayo...
Shopowner = Ano ba yan?! Na-leegan na nga ako ng halos P50K para sa mga orig ng Windows e...ngayon may ganito pa? O sige eto ang P5,000 (bunot ng pera sa malalim na bulsa)
IPC = Salamat po sir! By the way...good for one year lang po itong seal. Renewable yearly, P5,000 ulit po pag-renew.
Shopowner = What the #$%^*^)&)!!! Teka, may resibo ba 'to
!!!!
Hehe...parang hold-up e, ano?