^^^^^
uu miga judge siya hehehepero anah sila wala naman daw
^^^^^
uu miga judge siya hehehepero anah sila wala naman daw
sayanga wala ko kita...nahan sad ra ba ko ato niya
the insect dance master...weeeeee... Lyan on showtime, kanus-a kaha siya on tumbeling(tumbling)..ahihihihi
si ryan og si vice naman ang partner run..hehe.......ganahan ko sa sample3x nla run..
sa sample2 ky ang bata ray nagda ug bida...katong 4 ka back up pwede ra to wala...wahahaha
Vice Ganda on MTRCB Chief Consoliza Laguardia: "Hindi siya nag-e-exist sa akin."
Matapang ang mga binitawang salita ng stand-up comedian na si Vice Ganda kagabi, October 4, sa presscon ng Petrang Kabayo na ginanap sa City Best Seafood Garden sa Tomas Morato, Quezon City.
Inihayag ni Vice ang kanyang saloobin sa pahayag ng chaiman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Consoliza Laguardia na dapat mag-ingat si Vice sa mga pagiging hurado nito sa Showtime, dahil minsan ay may double meaning daw ang binibitawan nitong biro.
Nabanggit ni Chairman Laguardia ang kanyang paalala kay Vice sa pagbisita niya sa Paparazzi ng TV5 noong Linggo, October 3.
Paglilinaw ni Vice, matagal na raw niyang sinasabi na "walang anumang salita ang marumi."
"Walang masamang salita," paliwanang ni Vice. "Ang nagpaparumi sa isang salita ay isang maruming kaisipan.
"Ako, nagsalita lang ako ng simple, ang nag-isip ng masama ay yung taong nakarinig. So, hindi ako dapat i-monitor niya kundi yung utak niya kasi siya yung nagbigay ng kahulugan sa sinabi kong simple. Di ba?
"Problema niya na 'yon. Hindi ko na problema."
Dagdag pa niya, "Okay lang naman yung sinasabing dapat mag-ingat. Nag-iingat ako dahil may obligasyon din naman ako dun sa mga taong nanonood sa akin."
Aminado si Vice na trabaho nga ng MTRCB ang pag-monitor sa mga programa sa telebisyon. Kaya lamang, ayaw raw ni Vice na parang siya at ang Showtime ang tinututukan nito.
"Yun nga lang, yung sinasabi niyang tinututukan, yun pa lang isang malaking pagpapatunay na pinag-iinitan niya na ako at pinag-iinitan niya na yung programa namin.
"Kasi kapag sinabi mong 'tumutok,' sa amin ka lang tumitingin. E, paano yung ibang obligasyon mo sa ibang palabas? E, di napabayaan mo na kasi pinag-initan niya na?" pahayag ni Vice.
NOT AFRAID. Hindi rin daw siya natatakot kay Chairman Laguardia o sa MTRCB.
"Kung natatakot man ako, sa Diyos lang ako matatakot at sa nanay ko. Kay Laguardia, hindi," sabi ni Vice.
"For as long as alam kong... Hindi naman ako gano'n katanga para gumawa ng isang bagay na alam ko nang mali, pero ginawa ko pa. Kung ano yung alam kong tama, yun lang ang gagawin ko sa harapan at hindi sa harapan ng mga tao."
Hindi rin daw natatakot si Vice na masuspinde na naman sa ere ang Showtime. Matatandaang nasuspinde na ang nasabing ABS-CBN program ng 20 araw dahil sa pahayag ni Rosanna Roces, na naging isa ring hurado, laban sa mga guro. (CLICK HERE to read related story.)
"Ngayon," sabi ni Vice, "kahit saang bahagi ka ng Pilipinas pumunta, lahat sila'y hindi pabor na masuspinde ang Showtime at walang matutuwa 'pag nasuspinde at nawala ang Showtime sa ere. Kaya hindi po kami natatakot."
Wala rin daw siyang pakialam kung hindi pa napapalitan si Chairman Laguardia sa kanyang posisyon sa MTRCB, na kanya nang pinanghahawakan noong si Gloria Macapagal-Arroyo pa ang pangulo.
"Hindi naman ako masyadong ano, kumbaga, hindi ako masyadong partikular kung sinong uupo diyan," paliwanang ni Vice. "Hindi ko nga nararamdaman na si Chairman Laguardia ang chairman, 'no?
"Parang wala akong pakialam kung sinong umupo. Kung gusto niyang mag-overstay, mag-overstay siya. Hindi siya nag-e-exist sa akin."
Magdadalawang-isip din daw siya kung sakaling imbitahan siya ng MTRCB sa isang meeting.
"Kung ako'y iimbitahan, aanuhin ko muna kung may schedule nung panahon na iimbitahan niya ako. Kasi imbitasyon naman 'yon, nasa sa akin.
"Kung imbitasyon, puwede kang pumunta, o puwede kang dedmahin mo yung imbitasyon. Pero kung ako'y inuutusang pumunta, at kinakailangang pumunta, bakit hindi?" sabi ni Vice.
source
Si Vice nasad gi-initan... in the arena of showbiz politics, asa dapig ni si Laguardia? Anyone know?
This comes up in light of ABS-CBN's push for a TRO on Willie's TV5 show.
sand man.... kool sad dyud ka sa mga information....... go!.....
Karon na pud ko ka-tan-aw balik ani.. naa na lage sila Sample sample sample. hahaha.. Ive heard sa news pud about sa MTRCB but sa interview kang Vice I think. Di lang pud unta ni mo-abot sa point na ma-suspend na pud ni nga show.
Similar Threads |
|