yeah..compliment jud! hahaha..after all, the facial feature jud ni MR n i dislike the most kai ang ilong niya..if na-empasize pa to, nah..asa gud tawon ko muingon gwapa xa didto..lol..
pero hamis jud cya..wat is, mestiza gud..
yeah..compliment jud! hahaha..after all, the facial feature jud ni MR n i dislike the most kai ang ilong niya..if na-empasize pa to, nah..asa gud tawon ko muingon gwapa xa didto..lol..
pero hamis jud cya..wat is, mestiza gud..
aw, subjective na na, like ako, i dont find it wrong iyang ilong
tonight na jud!!!!
cast of Ang babaeng hinugot sa aking tadyang
Ang karakter ni Marian, si Proserfina, ay natatakot na mahalin si Homer (Dingdong) dahil ang lahat ng lalakeng minahal niya ay napapahamak.
May isang mundo na lulong sa kamunduhan, ambisyon at kapangyarihan. Kung saan ang lahat ay may mani-kaniyang kasalanan.
Dito isinilang si Proserfina, may tapang na hindi pangkaraniwan sa isang babae, may alindog na makapagpapa-ibig ng kahit sinong lalaki. Dumating sya sa walang kabuhay-buhay na mundo ni Homer at naghatid ng panganib at isang kakaibang kabog sa dibdib nito.
Ngayon, susuungin ni Homer ang mundo ni Proserfina upang maipaglaban ang babaeng yumanig at lubusan bumago sa kaniyang mundo.
Sa orihinal na likhang ito ni Carlo J. Caparas, pag-ibig kaya ang papawi sa kasalanan at hahaplos sa pusong inangkin ng kasamaan?
Sa nakaraang press conference ng ABHSAT, ginawa muli nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang eksena kung saan biglaang nakitulog sa kama ni Homer si Proserfina.
Nang nagising ang nahihimbing na lalaki, kinuha naman ni Proserfina ang saxophone na siyang paboritong instrumento ni Homer.
Ang saxophone kasi ang tanging instrumento na pwedeng gamitin ni Homer, ayon sa bilin ng kanyang ina (ginagampanan ni Carmi Martin).
Ayon kay Marian, isang challenge para sa kanya ang gumanap ng isang daring character tulad ni Proserfina.
"Bukod sa medyo sexy siya, misteryosa kasi ang character ko dito, e," aniya. "Minsan sumusulpot ako, nawawala ako, makikitulog ako sa kabilang bahay, yung gano'n. Parang hindi mo alam kung sino talaga siya o kung ano yung pagkatao niya. Nakakatuwa na ang daling mag-shift ng character ni Proserfina. Magulo yung utak niya sa mga pangyayari."
Si Mart Escudero (kaliwa) ay ang kapatid ni Marian samatalang si Paolo Contis (kanan) ay isang lalaki na obsessed kay Proserfina.
Si Dingdong Dantes ay gumaganap bilang Homer, ang young executive na nasanay sa de-numerong pamumuhay. Bagama't nasunod lahat ng luho at nakatakda nang ikasal ay nadarama niyang sadyang kulang pa rin sa kanyang buhay. Magbabago ang lahat ng ito sa umagang paggising niya ay may napakagandang babaeng natutulog sa kaniyang tabi.
Si Angelu de Leon bilang si Heleen, anak mayaman na pabagsak na ang kabuhayan. Ibig maikasal kay Homer para lamang hindi siya tuluyang maghirap.
Carmi Martin bilang si Hera ang relihiyosang ina ni Homer na gumagawa ng desisyon para sa anak, pati na ang pagpili ng mapapangasawa nito.
Si Jackie Rice bilang Cassandra, ang nakababatang kapatid ni Homer na piniling mag-asawa ng dukha kaya itinakwil ng ina.
Si Prince Stefan ay si Aristotle na nakabababatang kapatid ni Homer na magpapari upang tuparin ang utos ng relihiyosang ina ngunit iibig sa isang dalaga.
Si Paolo Contis ang magbibigay-buhay kay Rado, ang kriminal na haling na haling kay Proserfina. Dahil laging bigo na mapaibig ito, gagawin ang lahat, kahit gumamit ng dahas, maangkin lang ang dalaga.
Si Mart Escudero ang bubuhay sa katauhan ni Ulysses, ang nakababatang kapatid ni Proserfina na nalulong sa droga. Malalagay ang buhay sa panganib kung kaya't ililigtas ng kapatid.
Si Eugene Domingo ay ang madaldal na mayordoma na si Madel. Siya ang namamahala sa mansion ng mga Alcaraz. Matagal nang naglilingkod sa kanila kaya parang anak na ang turing niya kay Homer.
Si Alyssa Alano, gaganap na Citas, ang mali-mali at accident-prone na alalay ni Madel (Eugene Domingo). Laging up-to-date sa tsismis.
Si Carlene Aguilar ay gaganap bilang si Clarisse, ang best friend ni Heleen (Angelu de Leon) na kasabwat nito sa kaniyang mga plano.
Lovi Poe bilang si Athena, simple at magandang mang-aawit sa simbahan. Makikilala at mapupusuan ni Aristotle (Prince Stefan).
Francine Prieto, gaganap sa katauhan ni Shiela, ang babae ni Rado (Paolo Contis) na mahal na mahal sya. Handang gawin ang lahat para sa lalaking iniibig--kahit pa ang pumatay.
Si Paolo Paraiso ay gaganap bilang Mike, ang best friend ni Homer na kaniyang napagsasabihan ng lahat ng kaniyang mga sikreto.
Sherilyn Reyes bilang Tia Galatea, ang kiming kapatid ni Hera na sunud-sunuran sa kaniya. Ang takbuhan ng magkakapatid na Homer, Cassandra at Aristotle.
Kevin Santos as Jason, kaibigan ni Aristotle na umiibig din sa babaeng iniibig nito.
Si Boom Labrusca ay si Greg, ang kalaguyo ni Heleen (Angelu de Leon). Playboy, at takot matali sa iisang babae.
Last edited by uwagan; 02-02-2009 at 08:47 PM.
nice kaayo ang episode ganina... bravo!!!
unsai story ani?
mura fantasy? just askin..kai weird ang title..
ang babaeng hinugot sa aking tadyang (The Woman Pulled from My Rib)
dili cya fantasy..
from wiki: Director Bernal explains the series to be an "action, suspense, drama ... underworld".[3] It tells the story of Homer, a psychologist with a boring life, and his patient Proserfina - a man-hater and a serial killer who murdered those she had had a relationship with. [4] The two will eventually develop feelings for one another. But will Prosefina's new found love heal her hatred for men?
aw..different from their soaps before..naa pina-suspense, which is cool..mayta madala nila ug maayo..
hay kalagot dili jud ko makakit for 1month kapaet baya sa sked oi...huhuh mayta naa sa youtube..
nindot kaau ang lubot ni marian sa pics above hehehe. ahak wa ko kta ganina...how was it wags?
Similar Threads |
|