up until 2016!!!
Duterte for President!
Mga kapamilya, kapuso, kapatid at kabarkada... May pagkakataong binibira at binabara ko pa si davao city mayor rodrido duterte. Naalala ko nga minsan sa punto por punto, habang nag-uusap kami sa telepono, aba'y nagmura ba naman si Lolo kaya't pinaalala ko - maraming nanonood at ang magmura sa ere ay hindi puwede. Kaya't nang inulit niyang magmura, kahit pa nga hindi naman patungkol sa akin, pinutol ko siya sa ere! Maraming mga kumukwestiyon sa estilo ng pamamahala ni mayor lalona ang mga human rights advocates at kung magkaminsan, naniniwala akong may pagkakataong siya ay sumosobra na! Pero nang siya'y aking makita kanina, walastik - ako'y nagpapicture pa sa kaniya! Di ko pala kayang itago ang paghanga sa mamang ito - dahil para sa akin, ang performance ang pinakamabisang testimonya kung anong klaseng lider siya. Sa yugto ng ating panahon na liglig ng kahirapan, krimen, droga, kawalang tiwala at kabiguan ng namumuno na maglapat ng disiplina at magpatupad ng batas - tila isang Duterte o kalibre ng isang Duterte ang dapat maging presidente! Thank u sa picture mayor!
from: https://www.facebook.com/photo.php?f...type=1&theater