advise na lang ni derpa na ihigot na lang sa kamot ang sabon aron d mahug
advise na lang ni derpa na ihigot na lang sa kamot ang sabon aron d mahug
Maayong tawo sad! Kamao! Kamao sad ning simbahan.
Pari na dawit sa human trafficking, nagpiyansa | PSN Metro, Pilipino Star Ngayon Sections, Pilipino Star Ngayon | philstar.com
Pari na dawit sa human trafficking, nagpiyansa
Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 2, 2017 - 12:00am
MANILA, Philippines - Laya na si Msgr. Arnel Lagarejos, ang pa*ring nahuli na nagpapasok ng menor de edad sa isang motel sa Marikina City noong Biyernes ng gabi matapos siyang payagang makapaglagak ng kanyang piyansa.
Sa resolusyong ipinalabas nina prosecutors Nikolai Salinas, Ricardo Paet Jr. at Linda Adame-Conos ay pinagpiyansa nila ng halagang P120,000 si Fr. Lagarejos sa kasong violation of Anti Human Trafficking Act.
Dakong alas-2:49 ng hapon kahapon nang makalabas ng kulungan ang pari mula sa Mari*kina police detention cell.
Habang sa binatilyong bugaw ay walang piyansa na inirekomenda ang piskalya dahil sa paglabag sa Human Trafficking Act matapos nitong ikalakal ang 13-anyos na dalagita.
Nasa custody ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 16-an*yos na bugaw.
Bunsod ng kinalabasan ng kaso ay disma*yado si Marikina Mayor Marcy Teodoro at iba pang Local Goverment Unit (LGU) ng lungsod.
“No bail ang bugaw.. nakakapikon… may nag-ayos na retired justice pikon na pikon nga ako, inaasahan ko talaga ay no bail yun pari, pero ang bugaw ang no bail,” sabi ng Alkalde
Sinibak na ang pari sa kanyang posisyon bilang kura paroko ng Saint John the Baptist Parish sa Taytay Rizal at bilang presidente ng Cainta Catholic
Una dito ay inamin ng dalagita na dalawang beses na siyang naipasok sa motel ng pari at binabayaran siyang P2,500 kada labas nila.
Noong isagawa ang entrapment operation ay pangatlong beses na sanang maipapasok ng pari sa motel ang dalagita.
usa rman na ka misa ni pader ang bail...samot ug mapreso na jud kay magmisa na jud ni ug kada oras..ahahahaha
Similar Threads |
|