dehins ko rin alam kung bakit pwede yung point and shoot and cellphone
dyan ako na dale nung nasa moa ako
nung na click ko na for 30 sec exposure yung camera ko may palapit na sikyo... sinalubong ko na agad... sabay sabi...
sikyo: sir bawal po kunan yang globe...
sid: bakit bawal?
sikyo: SOP po sa amin na pag may dala po na camera(DSLR o MLAKING camera) at tripod pag bawalan daw po...
Sid: sino nag sabi?
sikyo: yung management po
sid: yung intsik ba o yung pinoy
sikyo: (nagaka) ahh ehh... basta po.. bawal po yan...
sid: ehh pag itong cellphone ko pwede?
sikyo: pwede po cellphone tsaka digital camera.
sid: digital gamera naman yung malaking yun... sabay turo sa camera ko...
sikyo: malaki po kasi yan.
sid: o sige cellphone na lang gagamitin ko...
sikyo: sige po...
at narinig ko na yung click ng camera ko... sabay lipat pwesto...
maya maya...
sikyo: (sya nanaman) sir diba pinag bawalan ko na kaya...
sid
sabay pakita sa kanya yung cellphone)
sikyo: bakit naka ilaw yan malaki na yan?(sabay turo sa camera ko ulit)
sid: nacocontrol sya ng cellphone ko.
sikyo: (inis na) sir kailangan nyo ng umalis o kung ayaw nyo sasama kayo sa opisina...
sid: bakit ako sasama?
sikyo: papaliwanag sa inyo ng officer ko.
sid: sige... mag paliwanagan tayo...
sumama ako... at natameme yung gwardya dahil nung time na pinag babawalan nya ako ehhh pyro Olympics sa moa... pinaliwanag ko kung bakit malaki camera ko...
my time na di na kailangan ng permit kung may event... lalong lalo na sa mall...
pero dapat siguro pinapaliwanag ng mga nakakataas kung ano ang camera
at para saan sya