By: Ogie Diaz
Nakakalokah, sa Feb. 2 na pala ang pilot telecast ng May Bukas Pa, kaya pala kahapon ay ginanap na ang presscon para mai-promote nang bonggang-bongga ang teleseryeng ito na mapapanood pagkatapos ng TV Patrol World.
Tiyak na maiibigan ito ng mga bata, dahil ang bida rito ay ang pitong-taong gulang na si Zaijan, gumanap na batang John Prats sa Tiny Tony.
Ang ganda ng kuwento ng May Bukas Pa. Ang pangalan dito ni Zaijan ay Santino. Mai-inspire rito ang mga manonood, dahil ang negatibong nangyayari sa paligid ay lagi niyang binibigyan ng rason.
Ito ang dapat i-recommend ng teachers sa mga estudyante, dahil punumpuno ito ng aral, inspirasyon at pag-asa.
Sa panahon ngayon na nagbababa nga ang presyo ng gasolina, pero ramdam ang hirap ng buhay, kahit man lang sa panonood ng kuwentong nagbibigay pag-asa at inspirasyon, maramdaman nating masaya pa rin ang buhay.
’Yan ang May Bukas Pa, na dinirek ni Jerome Pobocan at Jojo Saguin.
Paano namin ito nalaman?
Ah, eh...kasi, kasama kami sa naturang teleserye bilang mister ng malusog na si Arlene Muhlach with matching three kids. Shot ito entirely sa Bacolor, Pampanga, na inilubog ng lahar.
http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=83970