ako may shop. for me, walang standard. ang singil kasi ng labor depende sa degree of difficulty, tools used, inclusions, time consumed at level ng expertise ng gumagawa.
example sa amin, change engine block sa mio, 800. sa iba 500. bakit mahal sa amin? sisiguraduhin ko kasi na tatakbo ng tama yun motor after ng trabaho..hindi yun pagkatapos eh, tumotope, umuusok etc. gagamit kami ng tamang tamang tools (tulad ng torque wrench, filler gauge etc.) gagamit din kami ng tamang materyales.
isa pang example, tune-up. sa amin 200. ewan ko sa iba. pero sa 200 na babayaran, kumpleto ang tune up at gagamit kami ng filler gauge para ma-adjust ng tama ang valve clearance mo...hindi yun hinahawakan lang
change oil, free basta sa amin binili ang oil. kung may dala kang sarili mong oil, walang charge pero at least magbigay ka ng tip.
note to all din. minsan kasi may mga bumibili sa shop ng pyesa ang they expect the shop to install it for free. its free if sasabihin sa inyo. kung sinabing may labor, wag na sana makipagtalo na dapat free. please remember, installation of parts (even if its easy) consumes TIME and ENERGY.
at the end of the day, its the consumer who decides if its reasonable or not. if you think the labor charge is too steep, then find another. you have the power to say NO.
![Smiley](images/smilies/smiley.gif)