Pinakamasahol sa lahat ng posts! Nagmumura pa. Alang taste naman pare. If i will summarize naiingit siya sa masa dahil pina tuonan daw ng pansin ng gobyerno. Matanong kita pre, pinagtounan nga ba ng pansin ng gobyerno ang masa
Palagay ko wala eh.
Eh tingnan mo lalung maghirap yung masa dahil sa kapabayaan at pangungurakot ng nasa kapangyarihan. Walang makain, walang magamot at walang trabaho. Bakit ginusto ba naming maghirap para mapansin
Ginagawa lang kaming alibi sa panahon ng kampanya. Kinasangkapan nila ang aming kahirapan upang maggantso nila ang taumbayan na bumoto sa kanila.
Sa kamalasan, kami na ang naghihirap, kami pa ang sisihin nyo! May apog ka pang sisihin mo yung lugmok na sa hirap. Kami na nga ang biktima kami pa ang sinisi nyo!!!
Eh kung naaingit ka sa masa eh di magpalit na lang kaya tayo ng pwesto. Ako ang middle class at ikaw yung masa at titingnan natin kung masabi mo bang pinansin talaga kami ng gobyerno.
Tsaka ano itong pinagsasabi mong hindi kami nagbabayad ng buwis
NAGBABAYAD DIN KAMI NG BUWIS NO
Sa bawat pagbili namin ng sabon, shampoo, de lata, gamot at kung ano ano pa, may VAT na din yun. Kaya sa gusto ma namin at sa hindi, magbabayad din kami ng VAT tulad ng lahat ng mamamayan. At worse dito ay yung rate ng VAT na pinataw ng mga elitista at mayayaman, ay pareho ding rate ang ipinataw sa amin!!! Eh saan na yung principle na the more you have, the more you pay. Yung mga mayayaman milyones ang kita nila, samantalang kami, kakarampot lang ang kinita namin pero pag bili namin sa grocery pareho lang ang VAT na binayaran namin.
Kaya di ako bilib sa nag post dito. Para ngang di niya alam pinagsasabi nya.
THE WORST POST!