Well said ug Padayon RODION!
Awit ng Petiburges
(Kapayapaan, katarungan ay di, di dapat hadlangan
Pagtutulungan, dito'y magkaisa bawat taumbayan...)
Buhay na nagisnan, puno ng ginhawa
Buhay na kumupkop, hindi yata makakayang iwan
Buhay na kayhirap, bagay na di gagap
Bukas o nakaraan, saan nga ba ang patutunguhan
Naguguluhan pa ako ngayon
Naghihintay na sila doon
Koro:
May panahong magduda at magtanong
Ngayon ay panahon ng pagharap at pagsulong
Pagtatanong ay huwag lubayan
Tunggalian ay walang katapusan
Aking mga mata, malinaw ang nakita
Luha ng kapatid, dusang na di napapatid
Diwa ay natalos, humayo at kumilos
Tawag ng pangangailangan, di na matatalikuran
At ang bisig ko'y handa na ngayon
At makakayang iwan ang noon
Awit ng Peti Burges