Got this from a post of one member of a trading site in Manila. I just want to post it here for your info:
Mga fellow TCP members, post ko lang po itong parang SCAM/MODUS na napansin ko ngayon dito sa TCP.
Nabiktima na din po ako nito dati eh, last Feb 2013, kaya share ko na lang din sa inyo.
Bale ganito po, may nakita akong nagpost ng iPhone 4 16gb black for only 8,000. Sa post nya naka detalye ung issue at FACTORY UNLOCKED daw. Ang issue lang eh nalagyan ng pin code ng pamangkin or ate ba nya un at di na maalala ung code.
Syempre ako dahil mura nakipagdeal ako agad. Saka sabi nya sa post nya 300 lang pa restore at since FACTORY UNLOCKED naman daw madali lang mapaopen. Nung una nagalala ako na baka nakaw ung phone kasi may passcode pero alis na din duda ko at nagtry pa din ako, sabi nya kasi sa sister nya daw.
Nagmeet kami sa Boni MRT Station, tapat ng Globe Asiatic. Syempre check ako ng unit, pag abot sakin naka passcode nga at naka airplane mode. Syempre nagtry ako maglagay ng sim card, di din mabasa dahil naka airplane mode nga. Check pa ko ng check at dahil limited nga ung machecheck ko, aun nagconfirm na lang ako sa kanya kung factory unlock nga then bayad na agad.
After restore, ayun di pala unlock at Japan Locked pa ang phone. As usual, si seller lost na.. hehehe.
Yesterday, may nakita na naman akong iphone 4 32gb, 8500 lang daw. wala cyang sinabing defect sa post nya so ako naman ng message sa negotiation board nya. Dahil di cya ngrereply nagtext ako sa kanya, nagulat na lang ako pag send ng message ko, cya din pala ung same na napagbilan ko ng unang iphone. Ang sabi pa sakin na di daw nya ako nakadeal before, samantalang lahat ng messages namin noon eh andun pa sa cellphone ko.
Eto pala user name nya: imcarla, cp number 09161412177. wala na din post nya binura na din nya. Malamang makakagawa pa siya ng ibang user account dito.
Marami ngayon akong napansin na nagbebenta ng iPhone na lock dahil sa hindi pa mauunlock ung unit sa ngayon specially ung mga Japan Lock iphone. Madami din naman talgang honest dito na nagsasabi na lock ung phone na binebenta nila. Pero meron din pong mga manloloko talaga.
TIPS:
- Make sure na pag makikipag meet at bibili ng iphone, same issue man or hindi eh magdala po tau ng ejector pin, kahit po safety pin pwede at micro sim para matest ang unit.
- Kung magkataon man na passcode lock ang phone na nabili at naka airplane mode, ioff nyo and airplane mode by dialing emergency numbers like 112. Dapat mabasa nya ang sim card nyo kahit naka passcode lock ang cellphone. Hindi po No Service ang lalabas.
- Check nyo po ang feedback ng taong pagbibilan nyo dito sa TCP, kahit may positive minsan icheck nyo ung nagbigay ng positive feedback dahil dummy account lang nila un at sila din naglalagay ng feedback sa sarili nila.
- Makipag meet po kayo sa mga malls or sa safe na lugar kasi much better na magdala kayo ng laptop para marestore nyo ung unit agad agad. Prepare nyo na before meetup pa lang ung software na gagamitin nyo.
- Ok po ang murang items, pero magduda pag sobrang mura kasi baka may problema. Kaya icheck ng mabuti ang unit.
- Maging matalinong buyer po tayo, mag tanong, mag basa sa google at alamin natin kung ano ung item na bibilin natin. Ok lang maging tanga minsan pero dapat natututo tau sa pagkakamali natin.
Post ko lang po ito para makatulong sa iba.