Si Pedro at ang kanyang byenan
Pedro: Saan ka galing, p're?
Berto: Sementeryo, libing ng byenan ko.
Pedro: Bakit puro kalmot ang mukha at braso mo?
Berto: Mahirap ilibing eh, lumalaban!
Nanay at Anak
Nanay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay! Simula
ngayon, huwag mo na akong tawaging nanay at hindi na rin kita tatawaging
anak, naintindihan mo?
Anak: Sige dude, alis na ako.
Sa Prusisyon
Pari: Ang mga
boys, sunod sa karo ni San Jose , mga girls, sa karo ni
Mama
Mary. Bakla: Kami father, saan kami susunod?
Pari: Mga bruha! Follow me!
Almusal
Donya: Bilang bagong katulong, tandaan mo na ang almusal dito ay
ala-sais
empunto!
Maid: walang problema donya. Kung tulog pa ako sa oras na yun, mauna na
kayong mag almusal!
Sinong Matapang?
TUKMOL: Sino sa inyo ang matapang? Lumabas!
SIGA: Ako, matapang ako, bakit may problema ka?
TUKMOL: Wala po, survey lang ho. Ngayon, yung duwag naman ang lumabas!
Pengeng Pera
Anak: Ma, hingi sana ako ng P50.
Nanay: P40? Ang laki naman ng P30! Anong gagawin mo sa P20? Akala mo
madaling kumita ng P10? O, eto P5.
Si Smiley
Alam kong sa tingin mo, masaya ako! Pero bakit kayo ganyan?! Sa tuwing
wala na kayong masabi, ako na lang ang ginagamit nyo! Pagod na pagod na
ako sa pagngiti! - (Smiley)
Job interview
Boss: Why should we hire you?
Tikyo: Mas mabuti po ang bagong tulad ko dahil wala pang sungay.
Boss: English please.
Tikyo: Well, you see, uh, I'm brand new so I'm not yet horny!