ang abs kamo ang desperate
![]()
payter man ang kang willie na show cge gani tan aw ako mama og papa taga gabe-e
mao jud, refreshing sad ni, kay ang 2 sa pikas, puro nalng teleserye, murag mostly pang babay jud ilang market
abs is the best
maganda naman daw yung bago niya show..
pero la naman pinagbago sa wowowee di ba?
TRO petition ng ABS-CBN laban sa bagong show ni Willie Revillame, ibinasura ng Court of Appeals
PEP - Thursday, November 4
TRO petition ng ABS-CBN laban sa bagong show ni Willie Revillame, ibinasura ng Court of Appeals
Slideshow: Showbiz Photos
Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng ABS-CBN para agad na maipatigil ang pagpapalabas ng Willing Willie, ang variety-game show ni Willie Revillame sa TV5.
Ayon sa report ng Philippine Star noong Lunes, November 1, hindi pinagbigyan ng CA ang petisyon ng Kapamilya network na patawan agad ng temporary restraining order (TRO) ang Willing Willie.
Sa three-page resolution na sinulat ni Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla, binigyan muna ng limang araw ang kampo ni Willie para sagutin ang petition ng ABS-CBN.
Binigyan din ang network ng lima pang araw upang sagutin ang magiging komento ni Willie.
Isinampa ng ABS-CBN ang TRO laban kay Willie noong October 4 sa Quezon City Regional Trial Court. Ayon sa network, nakapirma pa ang TV host sa kanila ng kontrata hanggang September 2011 kaya't hindi siya dapat gumawa ng programa o lumabas sa ibang network.
Matatandaang hindi naglabas ng desisyon hinggil sa TRO si Judge Luisito Cortez ng QCRTC Branch 84 noong October 8 hearing. Ayon kay Judge Cortez, sa pagtatapos ng Oktubre pa siya maglalabas ng desisyon.
Dahil dito, nagsampa muli ang ABS-CBN ng petisyon sa QCRTC noong October 15 upang mapabilis ang desisyon ni Judge Cortez. Ayon sa ABS-CBN, dapat maibaba na ang TRO bago pa maipalabas ang premiere ng Willing Willie noong October 23.
Ngunit nabigo muli ang ABS-CBN na makakuha ng TRO. Ayon kay Judge Cortez, hindi napatanuyan ng network na may "urgent need" para maglabas ang korte ng desisyon bago ang premiere ng show ni Willie.
Dahil dito ay dumiretso na ang ABS-CBN sa CA.
Matagumpay naman ang launch ng Willing Willie noong October 23. Tuwang-tuwa ang host ng programa, pati na rin ang staff, nang tuluyan na ngang mai-ere ang kanilang primetime program.
Sa ngayon ay magdadalawang-linggo nang umeere ang Willing Willie. Ayon sa data mula sa AGB-Nielsen, pangatlo ang Willing Willie sa ratings noong October 29, with 8% audience share.
Nangunguna rito ang 24 Oras ng GMA-7 with 10.8% audience share, at pangalawa ang TV Patrol ng ABS-CBN with 9% audience share.
Sa data naman mula sa Kantar-TNS, pangatlo pa rin ang Willing Willie sa ratings noong October 29 with 10.1% audience share.
Nangunguna naman dito ang TV Patrol with 26.2% audience share, at pangalawa ang 24 Oras, with 19.2% audience share.
Nagsimula ang gulo sa pagitan ni Willie at ng network noong May 4 nang bantaan ni Willie ang management ng ABS-CBN na magre-resign siya mula sa programang Wowowee kung hindi mapapatalsik ang showbiz commentator na si Jobert Sucaldito.
Matapos nito, hindi na lumabas si Wilie sa nasabing programa hanggang napalitan ito ng Pilipinas, Win na Win noong July 31.
Noong August 9, nagpa-presscon naman si Willie upang i-announce ang pagpapaalam niya sa ABS-CBN. Nagsampa rin si Willie ng kaso laban sa ABS-CBN upang matapos na ang kanyang kontrata.
Ayon naman sa ABS-CBN, hindi puwedeng tapusin ni Willie ang kanyang kontrata dahil ang network daw ang "aggrieved party."
same rajud kaayu....
@ Iceman
that is good news!! Maka lingaw man iya show daghan pa jud natabangan.
Willie is Willie, layo ra kaayo mga hosts na ni puli sa iya, sa skills sa hosting not even close, ginadala na lang sa kanta nila..Oh well, kanya kanyang gimik pud.
Basta lang Maka lingaw !!!
Makahilkak !!!
Makatabang!!
Maka encourage
Makakuarta nga tawo..unsa pamay lalison pa!!! willie is one of a kind person kita tanan deli perfect naa gyd tay apan... PEACE!!!! HEHHE
Similar Threads |
|