Page 1 of 19 123411 ... LastLast
Results 1 to 10 of 190
  1. #1

    Default PBA Latest News and Updates


    Magbabalik si Hatfield!
    FREE THROWS Ni AC Zaldivar
    Ang Pilipino STAR Ngayon 07/31/2006

    Kahit paano’y mangangapa pa rin si Rudy Hatfield sa kanyang pagbabalik sa Philippine Basketball Association kung saan maglalaro siya sa ikatlong team - ang Barangay Ginebra Gin Kings.

    Nakamit ng Gin Kings ang rights kay Hatfield matapos makipagpalitan ng mga manlalaro at draft picks sa Coca-Cola Tigers kamakailan. Bukod kay Hatfield ay nakuha din ng Gin Kings sina Raffi Reavis at Billy Mamaril buhat sa kampo ngTigers.

    Ang lakas naman ng Gin Kings at masuwerte si Hatfield dahil hindi naman niya kailangang makaarangkada kaagad. Marami siyang makakatuwang sa Barangay Ginebra kung saan nandoon pa ang mga frontliners na sina Eric Menk, Rommel Adducul at Andy Seigle.

    Aba’y nagmistulang national team ang tropa ni coach Bethune "Siot" Tanquingcen ah! Sino pa ang puwedeng bumangga sa matindi nilang frontline. Walang koponang may ganoong katinding frontline.

    So habang si Hatfield ay nagpapakundisyon o naghahanap ng "basketball shape," marami namang puwedeng puntahan ang Gin Kings. Hindi siya mamadaliin ni Tanquingcen.

    Ito ay kung tutoong magbabalik na nga sa Pilipinas si Hatfield matapos ang halos dalawang taong pagkawala magbuhat nang masuspinde siya bunga ng Fil-sham controversy.

    Nadismaya kasi si Hatfield nang mapasama siya sa kontrobersya. Kaya nga kahit na pumayag ang PBA Board of Governors na pabalikin ang mga Fil-foreigners na nakapaglaro sa Philippine Team noong 2002 Busan Asian Games ay nanatili si Hatfield sa Estados Unidos.

    Ang unang balita’y itutuon na lang daw ni Hatfield ang kanyang pansin sa pagiging isang wrestler. Pero ayon sa mga kakilala niya, si Hatfield ay nagsanay para maging isang "firefighter." Kung tutoo ito, aba’y in-shape pa rin si Hatfield. Hindi naman puwedeng maging bombero sa Estados Unidos nang lalampa-lampa, e!

    Ang 6-4 power forward na si Hatfield ay nakatulong sa Tigers na magwagi ng dalawang kampeonato. Tinalo nila ang Alaksa Milk, 3-1 sa Finals ng 2002 All-Filipino Cup at ang San Miguel Beer, 4-3 sa Finals ng 2003 Reinforced Conference.

    Noong 2003 ay naging contender din siya para sa Most Valuable Player subalit natalo kay Paul Asi Taulava ng Talk N Text. Sa taong iyon ay napabilang si Hatfield sa Mythical Five at PBA All-Defensive team matapos na mag-average ng 13.7 puntos, 10.7 rebounds at 4.3 assists.

    Ayon sa isang official ng San Miguel Corporation, si Hatfield ay tumawag sa kanila at sinabing nais niyang bumalik sa paglalaro ng basketball at payag siyang tumanggap ng mas mababang sahod. Bago nasuspinde, si Hatfield ay tumatanggap ng maximum salary.

    Si Hatfield, na unang naglaro sa Laguna Lakers sa defunct Metropolitan Basketball Association, ay pumanhik sa PBA noong 2000 nang kunin siya ng Tanduay Rhum. Nang mag-disband ang Rhummasters ay lumipat siya sa Pop Cola na nabili naman ng Coca-Cola.

    Nabigo ang Gin Kings na mapanatili ang kampeonato ng Philippine Cup kung saan hindi man lang sila nakarating sa semifinal round matapos na talunin sila ng Red Bull sa quarterfinals.

    Pero ang lahat ng iyon ay nakatakdang magbago dahil tiyak na sila ang magiging "team to beat’ sa susunod na season!

  2. #2

    Default Re: PBA's LATEST NEWS AND UPDATES



    Abante - Tonite 31Julyo06
    ________________________________________
    Susunod na bang madi-disband o ibebenta ang prangkisa ng Coke Tigers?
    Ganito ang halos nag-iisang obserbasyon ng maraming basketball experts kasunod ang pag-trade ng Coke kamakalawa kina Rafi Reavis, Billy Mamaril at sa rights kay Rudy Hatfield sa Ginebra, ang sister-team sa ilalim ng dambuhalang San Miguel Corp.Sina Reavis at Mamaril ay mga pambatong players ng Coke at ang pagkakawala pa sa karapatan kay Hatfield ay lubos na pipilay sa performance ng team sa susunod na season.

    Ang 12-player trade ay kinasasangkutan din ng Ginebra na ibinigay naman sina Aries Dimaunahan at Ervin Sotto sa Air21 habang sina Manny Ramos at Kalani Ferrera ang tutungo sa Coke.

    Ayon sa mga eksperto, ganitung-ganito ang nangyari sa pagkaka-disband din ng Tanduay noong 2001 kung saan ipinamigay sa trade sina Jeff Cariaso at Eric Menk. Hindi rin ito nalalayo sa nangyari sa Shell kamakailan lang nang ipamigay ang top rookie draft pick noon na si Rich Alvarez.

    Maging sa coaching staff ay tila nagpapawala na ng lakas ng Tigers.

    Sa huling kaganapan hanggang kagabi, isang source ang nagpahiwatig na patungo na nga ang dating PBA coach at ngayo’y national mentor na si Chot Reyes sa San Miguel Beer at ang head coach ng Tigers na si Bingky Favis ang kanyang magiging assistant.

    Si Jong Uichico na nagbigay na ng maraming kampeonato sa Beermen, ay tatayong coach naman ng Ginebra at si Siot Tangquincen ay bumaba bilang assistant na sa Kings.
    Ang movement ng mga players maging ng mga coaches, ayon sa mga sumusubaybay ng pro league, ay tila nagbibigay ng malakas na puwersa sa isa sa apat na teams ng Cojuangco franchise, na Ginebra.

    Pero dahil bawal sa regulasyon ng liga ang direct trades sa mga sister-teams, isinama na lang ang Air21 dito. Ang mga trades na ito ay isusumite ngayon sa tanggapan ng commissioner.

  3. #3

    Default Re: PBA Latest News and Updates

    wen gani ang PBA annual draft?

  4. #4

    Default Re: PBA Latest News and Updates

    i think it's on aug 10..

  5. #5

    Default Re: PBA Latest News and Updates

    ah ok...tnx bro! :mrgreen:

  6. #6

    Default Re: PBA Latest News and Updates

    Dli bah, Aug. 20 ang PBA draft?

  7. #7

    Default Re: PBA Latest News and Updates

    yeah...na confirm ko na aug 20...ky usa sa akng migo ni aplly sa draft

  8. #8
    Site Keeper clarkhkent's Avatar
    Join Date
    Aug 2003
    Gender
    Male
    Posts
    8,798
    Blog Entries
    1

    Default Re: PBA Latest News and Updates

    august 20 ang drafting!

    nya angbag-ong balita kay si chot reyes na ang coach sa san miguel then si jong uichico adto na sa ginebra...i dont know kon coach or as team consultant...

    kana lang usa...sunod na sad...

  9. #9

    Default Re: PBA Latest News and Updates

    tinuud ni bai or rumurs lang??

    raffi reavis and billy mamaril will be transfered to ginkings daw..plus rights to rudy hatfield..
    in trades with air21 and coke.. dont know hus da players will be transferd to coke and air21..

    then aducul opting to be trade.. aducul and washington daw of tnt..

    come to think of it... gahi na kau ang ginkings.. if these are true..

    and uichico will be the head coach and tanquicen will be the assistant..

    and alex cabagnot opting to be out of sta. lucia..



    and RP team lost to the qataries in the 4 nation torney

  10. #10
    Site Keeper clarkhkent's Avatar
    Join Date
    Aug 2003
    Gender
    Male
    Posts
    8,798
    Blog Entries
    1

    Default Re: PBA Latest News and Updates

    kanang about sa re shuffle sa coaching staff ug mga coach sa SMC teams murag tinuod na cya!

    pero kanang trade sa 3 ka teams under clarification pa na sa PBA board of governors kay ang governor sa sta. lucia ni pyait kay louy kuno kaayo ang coca cola tigers! murag under investigation pa na ron sa commisioners office!

    ang player nga involve anang nga trade kay si reavis, mamaril ug hatfiled to ginebra...

    ang ang makuha sa coke kay si ramos, bernardo ug fereria...plus 1 first round picks and 2 second round picks...either nxt year or sa 2008!

    then ang air21 ilang makuha si ares dinaunahan ug si ervin sotto....




  11.    Advertisement

Page 1 of 19 123411 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. Pba latest news & updates
    By marqi_20 in forum Basketball
    Replies: 0
    Last Post: 09-22-2010, 11:04 AM
  2. BFW Lan Parties: News and Updates!
    By dbgg1979 in forum Software & Games (Old)
    Replies: 424
    Last Post: 11-07-2009, 11:13 PM
  3. PBA Draft 2008-2009 news and updates
    By daspark in forum Basketball
    Replies: 133
    Last Post: 09-13-2008, 01:13 PM
  4. PBA Draft 2008-2009 news and updates
    By daspark in forum Sports & Recreation
    Replies: 133
    Last Post: 09-13-2008, 01:13 PM
  5. PBA Latest News and Updates
    By DaNZ|G in forum Sports & Recreation
    Replies: 180
    Last Post: 08-28-2008, 12:35 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top