Narito ang mga tanong sa buhay, iyong sagutin sa iyong sariling opinyon at pananaw.
ang mga tanong:
1. Ano ang buhay para sa iyo?
2. Ano ang purpose mos a buhay?
3. Ano ang Diyos para sa iyo?
4. Ano ang pagkakilala mo kay Kristo?
5. Buhay mo bilang isang Kristiano?
6. Buhay mo bilang isang Ordinaryong tao?
--------------------------------------------------------------------------
1. Ano ang buhay para sa iyo?
- Para sa akin ito ay isang regalo sa Diyos at napakahalaga para ating sayangin at iwalang kabuluhan ang buhay natin, minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito at TAYO’Y GUMAGAWA NG KASAYSAYAN SA PANAHON NATIN, tayo ay mag iiwan ng alaala ayon sa ating pananampalataya at mga ginawa mabuti o masama na nagbubunga.(Maging halimbawa nawa natin ang mga tunay na Kristiano, mga bayani at mabubuting indibidual na nagbuwis ng buhay at magandang halimbawa sa iba).
2. Ano ang purpose mo sa buhay?
- Ang purpose ko sa buhay ay maglingkod sa Diyos at sa aking sariling bayan, mga responsibilidad sa bahay sa simbahan sa skwela, trabaho, sa gobyerno at sa aking sarili (kinabukasan at kasiyahan). MAGKAROON NG DIREKSYON SA BUHAY NA TINATAHAK at maging kuntento sa anong meron, simpleng tao at balance sa nga bagay bagay).
3. Ano ang Diyos para sa iyo?
- NANINIWALA AKONG MAY DIYOS AT HINDI MAGDUDUDA SA KANYA, Siya ang lumikha at nagbigay buhay kasama ang mga bagay na nasa atin, Na Siya ay nagpakilala sa Kanyang Salita na nagmamahal at nagpaparusa sa masama. Siya na karapat- dapat sa lahat ng papuri at pagsamba, na pumili at tumawag ayon sa Pananampalataya ng tao (Israelita o Kristiano).
4. Ano ang pagkakilala mo kay Kristo?
- Para sa akin si Hesus ang pangalawang persona ng Diyos, kaisa- kaisa isang bugtong na Anak na nagbigay ng Kanyang buhay para tayo ay matubos, ang dakilang sakripisyo sa krus ng kalbaryo kahit wala Siyang anumang kasalanan, na akin siyang SINAMPALATAYANAN NA TINANGGAP BILANG TANGING PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS, Siya na naglilinis ng ating mga kasalanan sa Kanyang banal na dugo at nagpapabago sa isang tao.
5. Buhay bilang isang Kristiano?
- Ang buhay Kristiano ay parang isang taong stranghero na naglalakbay sa ilang o sa mundo, Sila na hindi mamamayan ng mundo kundi ng langit, Silang nagmamahal sa Diyos at nag- aaral ng Kanyang Salita- Bibliya, Ang pagiging Kristiano ay dakilang paglilingkod at hindi ko sinasabing madali ang buhay ng isang Kristiano, SILA NA NABUBUHAY SA TAMA AT HINDI UMAAYON SA TAKBO NG SANLIBUTAN. (Sila na nagsasama sama sa fellowship at pagsamba na kabilang katawan ni Kristo.)
6. Buhay mo bilang isang tao? (Mamayang Filipino)
- Ang buhay mo sa bahay, sa skwela, sa trabaho at kung saan pa na may kinalaman sa buhay mo sa lipunan, na maging mabubuting Filipino na nagmamahal sa bayan, tumutulong sa kapwa, NAGPAPAHALAGA SA KALAYAAN AT KARAPATAN, ang mga pananagutan at responsibilidad, ang makibahagi sa mga issue at pagsunod sa mabuting pamahalaan, paghahangad natin ng pagkakaisa, kapayapaan, pag- ibig sa isa’t isa at tunay na respeto!
“Minsan tayo ay napi pressure at stress sa mga problema at sa mga bagay bagay tayo ay nag- aalalang lubos o natatakot, wag nating I isolate ang sarili natin o mahiya man, kundi bagkus pag- aralan ang buhay at spiritual na bagay, magpakatotoo tayo na maging masaya sa buhay at wag abutin ang di naman kayang abutin, wag sayangin ang mga pagkakataon at opportunidad para di magkaroon ng maraming regrets o kapaitan sa buhay…” –JamesMG307.
Salamat sa pakikibagi at God bless for sharing!