Ngayon pa lang ay inamin na ng kontrobersyal TV host/actress na si Kris Aquino na hindi nito maipapangako sa mga kapatid na hindi muna magbo-boyfriend sa loob ng anim na taon habang nasa puwesto pa ang kapatid na si President Noynoy Aquino.
Sa kanyang pagdating kahapon sa bansa mula sa bakasyon sa Amerika, naging matapat ang misis ni James Yap na wala sa kanyang track record ang hindi mag-boyfriend, kahit pa hiniling na ng kanyang mga kapatid na iwasan muna ang makipagrelasyon ngayong hiwalay na siya kay James.
Ayon pa sa TV host, naipagpaalam niya rin ito sa bunsong anak na si Baby James at mataginting na "tama na" ang sagot ng bata.
Subalit kasabay ng pahayag na nakita niya ang lahat na katangiang hinahanap niya sa isang lalaki kay Makati Mayor Jun-Jun Binay na ini-uugnay sa kanya ngayon, inihayag ni Kris na kapag dumating na ang tamang panahon, hindi siya magdadalawang-isip.
Aniya, kapag naayos na ang pagpapawalang-bisa ng kanyang kasal, nakapag-adjust na ang kanyang mga anak at mga kapatid, susunggaban niya sakaling manligaw sa kanya ang anak ni Vice President Jejomar Binay.
Dagdag pa ng TV host, hindi pa ngayon ang tamang panahon para sa kanila ngunit posible umanong sa susunod na taon at walang masama dahil kapwa naman umano sila single matapos na pumanaw din noong nakaraang taon ang misis ni Mayor Binay.
source >>>>
Kris Aquino, OK makipagrelasyon kay Makati Mayor Jun-Jun Binay