SINO ANG MAY KARANGALAN NA MANATILI SA LOOB NG BAHAY NI KUYA?
Bakit ba kahit pa sa tingin ng iba nagpaka totoo sina Jason at Melisa, marami pa rin ang naiinis sa naging desisyon nila?
Ang sa akin lang, si Jason at Melisa ang karapat dapat hangaan dahil sa ginawa nilang pagpapaka-totoo at paninindigan hindi dahil mas pinili nilang mabasag ang itlog at masira ang toreng pinoprotektahan. Kundi dahil sinunod nila ang kanilang tunay na nararamdaman.
Saludo ako sa kanilang dalawa dahil mas nangibabaw sa kanila ang pag iisip at kabutihan ng kanilang puso... Alam nilang pera ang nakasalalay sa pagbabantay ng itlog pero mas importante sa kanila ang tiwala sa kinikilala nilang mga kaibigan. Mas importante sa kanila ang pangalagaan ang relasyon nila sa kanilang mga kaibigan kesa ang masaktan ang bawat isa.
Sa parte ni Hermes, ipinaliwanag niya kina Jason at Melisa na pinag isipan niyang mabuti ang kanyang desisyon na talikuran na ang pag protekta sa tore hindi dahil naimpluwensyahan siya ng dalawa kundi dahil gusto nyang manindigan sa kung ano ang nilalaman ng kanyang kalooban. Kung tutuusin nasa bingit ng alanganin si Hermes pero para sa kanya handa na daw sya na lumabas sa darating na eviction night at wala na syang pakialam basta para sa kanya sinunod nya lang ang sa alam nyang tama.
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit mas hinahangaan at mas kinikilala ang ginawang pagbabantay ng mga itlog at tore ng limang housemates (Paul Jake, Mariel, Kath, Tibo at Johan)? E sa totoo lang, ginawa lang nilang protektahan ang tore at mga itlog dahil iyon ang nakasulat sa task letter ni BB.
Ginawa nila ang best nilang lima para mapanatiling nakatayo ang tower of dominoes at pinrotektahan ang mga itlog DAHIL YUN ANG TASK! DAHIL YUN ANG BINIGAY NA PAGSUBOK NI BB! Yun lang daw ang sigurado para sa kanila... Bakit? Dahil ang nakatatak sa kanilang isip ay ang manalo? masunod ang inutos sa kanila? nasaan ang pagpapakatotoo? Nasaan ang tunay na paninindigan?
Oo nga, may mga lumutang na pag-uugali pero hindi dahil nagpapakatotoo sila kundi dahil ayaw nilang mabigo sa TASK ni BB!
Ano ano ba ang pinakita nila? pagiging palaban? saan?
Paul Jake - pagiging boss, matatag at di mabubuwag?
Mariel - ang makipag away para manalo?
Kath - wala lang... inutos at sumunod sa nakararami?
Johan - yun ang task?
Tibo - para sa pamilya nya? ang alin, ang sundin ang nakasulat sa task letter?
Sa pagkakaintindi ko, hindi naman concrete ang sinabi si BB na sundin sya sa pagkakataong ito. Kinausap ni BB sina Mariel at Kath sa confession room (PT Thur Jan21) pagkatapos ng pangyayari kay Princess at ito ang kanilang naging pag uusap :
KATH: mejo naguguluhan po lahat kame.
MARIEL: nalilito po kasi kame kung yung mga bisita po are suppossed to be welcome guests or hindi po dahil iniisip po namin na gusto nilang sirain yung tore that's why we want to keep them inside pero nagkakagulo na ho kame kasi si Jason and Melai gusto nila pasirain nalang yung tore
KATH: opo, parang gusto na nila bumigay
MARIEL: uhm! para friends po kami sa bisita o i-shoo aw..i--paalisin namin yung mga dumarating dahil nga po gusto nilang sirain yung tore at mga itlog so nalilito po kame kung saan po yung dapat naming pipiliin.
BB: UULITIN KO ANG SINABI KO SA INYO KAGABI... ANG NAKASALALAY AY HINDI LANG ANG WEEKLY BUDGET, HINDI RIN LANG ANG 250,000 PESOS. KUNG HINDI, ANG KARANGALAN NINYO NA MANATILI SA AKING BAHAY.
Mariel : na manatili, sa inyong bahay po!
BB: AT SA HULI AY BIGYAN NG IDEA ANG TAONG BAYAN KUNG SINO ANG KARAPAT DAPAT. ANG LAHAT AY MAY LAYUNIN.
paglabas nila ng confession room, di naman nila naipaliwanag sa ibang mga hms ang sinabi ni BB, para sa kanila ang importante pa rin ay ang task.
Ako ay nakatutok sa 24/7 buong linggo habang nangyayari ang "resbak attack" at lahat sila may ginawang paninindigan. Pero malinaw ang sinabi ni BB, KARANGALAN ang key word ng kanilang task hindi ang pagka panalo.
sino ba ang nagpakita ng KARANGALAN? SINO BA ANG KARAPAT DAPAT NA MANATILI SA BAHAY NI KUYA?
Ang sa akin lang, sina Jason at Melisa ang nagpakita ng KARANGALAN at TUNAY NA SALOOBIN NA WALANG INIISIP NA TASK NA DAPAT SUNDIN SA GANOONG PAGKAKATAON. Kina Jason at Melisa hindi naging importante ang masabing sila ay nanalo, mas nanaig ang kanilang nararamdaman para sa mga sinasabing kalaban. Ang tiwala sa mga ito na pinapahalagahan ang kanilang pakikipag kaibigan.
Ang sa akin lang, mas nakuha at naintindihan nina Jason, Melisa at Hermes na hindi importante ang kasikatan (na sa aking palagay ay kumakatawan sa tore) at ang pera (kumakatawan sa itlog) kung sa huli may mga kaibigan silang masasaktan.
At hiling ko, mabigyan pa si Hermes ng pagkakataon na maipakita pa ang kanyang sarili.