“Ibinigay ng Diyos sa iyo ang mga araw upang ikaw ay gumawa, hindi mo ba ibibigay ang kaunting panahon para sa lumikha at nagligtas sa iyo?”
Nawa ito ang maging panalangin ng mga tao.
O Panginoong Diyos na hari at kumukontrol ng lahat ng bagay.
Pagahanin nawa ang aming aking mga pasanin at at ng aking kapwa, ibukas mo ang mga mata nila upang Makita nila ang katotohanan.
Ikaw na mabuti at matuwid, was akin mo ang mga masasamang gawa at patuloy na pagliwanag ang liwanag ng mga Kristiano.
Mahabaging Ama na nagbigay ng iyong Salita, nagligtas sa pamamagitan ni Hesus, na ang Spiritu Santo na gumagabay sa amin at nagbigay ng kapahingaan sa amin.
Ako ay sa iyo pa rin mananalig anumang dumating sa aking buhay at nasaan man ako, ikaw at ikaw lang ang aking sasambahin magpakailanman, hindi lang sa salita kundi sa gawa.
Ihahandog ko sa iyo ang aking buhay at lahat ng aking makakaya pagka’t ikaw lang ang tunay kong sandalan at nariyan lagi para sa akin.
O anong halaga ng mga materyal na bagay kung ito ay lilipas din? Anong dulot nitong kaligayahan kung ito ay pansamantala at masama.
Kaya nga o Diyos maganap nawa ang ‘yong Salita dito sa lupa at ang paghahari mo ay dumating na sa huli kami ay babalik din sa iyo na mga tumanggap sa iyo.
Panginoon Salamat sa lahat- lahat, bakit ako magagalit o malulungkot sa lahat ng sakit at kabiguan.
Ikaw ang siyang nagbigay ng buhay sa akin ay patuloy kitang pupurihin at pagtitiwalaan, hindi ko man maabot ang aking mga pangarap at parangal ng mga tao.
Ikaw lang ang nakababatid na iyong ibinababa ang nagmamataas at tinataas ang mga nagpapakumbaba, at ikaw na siyang nagpapala at nag- iingat sa akin at sa aking mga kapatid sa pananampalataya.
Laban kay satanas, inilalayo sa mga tukso ng kasalanan. Sa aking mga kaaway na nang-aapi, at sa mga taong mapanghusga ng kapwa, iyong batid ang kanilang isip at puso na ikaw ang gaganti.
At ikaw na aking Diyos ay kasama ko sa iyong binigay na karunungan at lakas upang aking ipagamit sa aking paglilingkod sa iyo at sa mga tao.
Patawarin mo ako sa aking mga pagkakasala at ituwid mo ang aking mga lakad, iligtas mo ang aking bayan sa kapahamakan at sa impyerno.
Sa maraming taon ako’y nabubuhay at nakikilala ka, ikaw ang magdadala sa akin at sa bawat isa sa kanilang patutunguhan.
Hindi ako magdududa ni susuko para sundin at mahalin ka kasama ng aking mga kapatid, mabuti man o masama ang mangyari, alam ko ibibigay mo ang nararapat at tagumpay na patuloy naming hiniintay.
Amen, Amen.
-James M. Gutierrez.
Baptist Net Mission
Angeles City, Pampanga.
Question about salvation:
Is it faith or works?
Visit
http://www.Jesussaves.blog.com
For more info and answers. “Know the Truth and the Truth shall set us free..”