Sa kabila ng kalamidad o bagyo na sumira ng maraming buhay at pag-aari…
Napakita ng maraming Filipino ang kahalagaan ng pagkakaisa at pag-ibig sa kapwa,
Ito ang mga pangyayari na gumising sa bawat tao sa pilipinas na hindi dapat tayo mabuhay sa kasakiman at pagkamakasarili.
Lahat ng tao pantay- pantay at lahat ay dapat matuto at mabuhay ayon sa tama at kalooban ng maykapal,
Hindi mo pag- aari ang kaloob sa iyo mg lumikha ni hindi dapat mag- isip ng pansariling interest.
Kung ikaw ay isang taong nabubuhay sa ka immoralidad at kasamaan dapat ka lang magsisi sa bunga ng iyong kasalanan,
(Mga Pulitikong Corrupt, mayayamang mapagmataas, mga mapang abusong katiwala at ang mga taong ginagawa ang mali para lang lumigaya)
Nakakalungkot na Makita an gating bansa na bagsak na bagsak dahil sa gawa ng ibang tao at naging biktima ang mga inosente at mabubuting tao.
Ikat at ako sa ating mga pagkakamali na dapat ituwid, walang exempted, lahat tayo na mga Filipino at Kristiano sa tingin natin lahat ay may pananagutan,
Ang mabuti ay nagbubunga ng mabuti at ang masama ay nagbubunga ng paghihirap, sumpa at kalamidad.
Kasi nakikita naman natin ang katotohanan at di maikakaila ito ang liwanag ay di maitatago sa kadiliman…
Bawat tao dapat magbago at ang tunay nag pagbabago ay nagmumula una sa sarili,
Wala na tayo sa panahong sinauna ang panahong ito ay panahon natin at lahat ng nakaraang mali ay dapat maituwid para di tayo masisi sa mga susunod na mga henerasyon.
Anong mabuti na dapat gawin habang tayo ay nabubuhay? Yun ay hangarin natin ang mabuti para sa lahat at gamitin ang meron tayo sa tama para sa kinabukasan…
Walang mangyayari sa ating kung mananatili tayo sa katamaran, kamalian at kadiliman sa iba na sumusunod sa maling paniniwala at mga gawang baluktot,
Ang buhay ay maikli lamang at hindi dapat ito sayangin at ipagkait ang meron tayo (yan ay sa Diyos)
Namatay si Hesus para sa akin at para sa iyo (para sa lahat) para ating sampalatayanan at maligtas.
Kung mahal natin ang Diyos at ang ating bayang Pilipinas, ating ipaglaban ang tama at katotohanan na alam natin at nalaman natin,
Tayo ay sinusubok sa ating pananampalataya at gagantihan ayon sa ating mga gawa.
Kailangan nating magkaisa, magkaroon ng kapayapaan, pag- ibig sa kapwa, kalayaan sa anumang kamalian, karapatan sa pagkakapantay- pantay at katotohanan sa Salita ng Diyos.