idol EUGENE DOMINGO...
ipalabas ang ford expedition 2009. .waaaapakkkkkk sosyalllllll. .
maygane wala ge 2010 hahaha
i heard gud comments bwt ani na movi. hope thats true. and i hope dili OA ang comedy lines. cos filipino comedies, thats what u usually get
circle man gud ug nawng si eugene mao funny.. haha
Comedy hit Kimmy Dora enjoys second rain-soaked weekend success
![]()
Kimmy Dora lead Eugene Domingo suffers for her art. In a scene where she gets spanked, "tatlong beses siyang tineyk, nagdadalawang-isip kung sasaktan nila ako. Ako na ang nagsabing, sige na, totohanin n'yo na. Paulit-ulit yung sakit. Basta nakaganti naman ako, 'wag kayong mag-alala," said the newly touted Comedy Box Office Queen.
Certified box-office success ang Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme) ni Eugene Domingo. May unconfirmed report na kumita na ito ng P65 million, making the comedienne this year's Comedy Box Office Queen. Nang makausap si Eugene sa radio program na Wow! Ang Showbiz!sa DWIZ kahapon, September 11, at nabanggit sa kanya ang kinita ng pelikula, biro niya agad, "Ngayon ba 'yan? Naku, didiretso na ako kay Piolo [Pascual]! Hihingi na ako ng bonus."
Naibalita naman ni Eugene na patuloy na dinadagsa ang pelikula sa kabila ng hindi magandang panahon. "This week, kasing tindi ng first weekend namin, despite and in spite of this weather na inuulan tayo ngayon, e," aniya.
Kaya naman abot-abot ang pasasalamat ni "Kimmy/Dora" sa lahat nang tumangkilik ng kanyang launching movie. "Tuwang-tuwa po ang buong Spring Films, of course, headed by Mr. Piolo Pascual and Bb. Joyce Bernal sa napakainit na pagtanggap ng tao sa aming pelikula," pahayag ni Eugene.
Dagdag pa ng komedyana, "Nag-iisip din kami ng paraan na yung face to face ay mapasalamatan din sila nina Piolo. Yung sana makita lang sila sa lobby ng mga sinehan, yung matuwa man lang sila."
Sa naturang interbyu, naikuwento kay Eugene na may mga estudyanteng nag-iipon ng kanilang mga baon para makapanood ng pelikula niya. At nai-suggest na baka puwedeng may isang araw na discounted ang screening ng nakakatuwa niyang movie para sa mga estudyante. Sumang-ayon naman si Eugene dito. "Magandang idea 'yan. Sige, isa-suggest natin kay Direk Joyce," sabi niya.
Nai-share naman ng komedyana kung bakit effective ang pagpapatawa niya sa pelikula. Tulad na lang doon sa eksenang pinagpapalo siya ng tsinelas ni Archie Alemania. "Nagagalit si Direk Joyce 'pag peke [yung eksena]. Tatlong beses siyang tineyk, nagdadalawang-isip sila kung sasaktan nila ako. Ako na ang nagsabing sige na, totohanin n'yo na, kasi hindi tayo matatapos. Paulit-ulit yung sakit. Basta nakaganti naman ako, 'wag kayong mag-alala," masayang kuwento niya.
Patuloy ni Eugene, "Gusto ko ring pasalamatan si Ariel Ureta, kasi, tamang-tama ang bigay niya sa lahat, mapa-comedy, mapa-drama, at hindi natin dapat siyang kalimutan na isa siya sa pinakabeteranong aktor sa industriyang ito."
INTERNATIONAL SCREENINGS. May plano na bang gawan ng sequel ang Kimmy Dora?
"Sa ngayon, wala kaming iniisip na part two. Sa palagay ko, hindi mo talaga mapapantayan yung part one. Kung saka-sakaling makapag-isip, we will make sure na it's more exciting. Mas maganda kung lalabas ng Pilipinas, 'no?" biro pa niya.
"As of now, speaking of paglabas ng Pilipinas, our producer, si Erickson [Raymundo, manager din nina Sam Milby at Richard Poon], is trying to arrange mga international screening, para sa ating mga kababayan sa Dubai, sa Canada, o kung saan man merong request, di ba?" dagdag ng komedyana.
Nabanggit din ni Eugene na isa ring masasabing dahilan ng success ng pelikula ay ang "word-of-mouth." "Kasi, ang malaking bulk ng pagiging number one namin nationwide ay ang word-of-mouth," aniya.
Iisa ang nasasabi ng mga nakapanood ng pelikula—maganda ito.
"Kasi, kaya nasasabing maganda dahil biniyayaan kami ng magandang script, at saka very inspired si Direk Joyce. Hindi naman talaga parang pelikula ang pelikula dahil ganyan lang, kundi maganda talaga ang script. And this is headed by Chris Martinez and directed by the very inspired Direk Joyce Bernal," paliwanag at pagtatapos ni Eugene.
wait lng ko sa yaya and angelina..
the spoiled brat the movie..
eheh!!!
Similar Threads |
|