Ako ay isang middle class Pinoy, isang officer sa isang malaking
korporasyon at may asawa...dalawa anak. Di na importante pangalan ko
kasi parepareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti
tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na,
pag wala na pera intay nalang ng sweldo. k
Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay maingay
at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys
ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito.
Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham ko
sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na
pag-iisip.
Sa Mga Politiko:
Diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo
makuntento kelangan nyo pa ba manggulo.
Sa Administrasyon:
Hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon,
pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya
sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno
at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman
naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.
Saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007,
tignan mo, i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo,
resounding YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power
laban sayo. Try mo lang.........
Sa Oposisyon:
Di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa
inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited
na reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate.
Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon,
pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon.
Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos.
Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa
likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing
bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi
reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong
batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa
salita at sa gawa.
Please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga
bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga
rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag
nagrarally kayo yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong
nagrarally!! Nung People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.
Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang
middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang
mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan.
Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na
kami e, sori ha.
Sa Military:
Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus
na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo
ba sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....yan
dapat ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di
kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang
nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military
ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo.
Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great
responsibility".....kaya maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami
wala.
Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa
e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman silang email.
Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email nalang tayo
kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa
nito at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.
Dagdag ko lang, paki sabi kay Gng. Aquino kung magdarasal siya sa simbahan
na lang o kaya sa kanyang bedroom para solemn. Wag sa kalsada para walang
traffic.
Signed,
Isang Middle-Class Pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng
Buwis!