Continuation above,
* * *
Hindi na shocking ang ginawang statement ni
Manny Pacquiao na paglipat sa
ABS-CBN. Matagal nang pinag-uusapan ang tungkol dito. Pulitika ang rason ng lahat ayon sa usap-usapan. Mas maganda raw kasi ang campaign package ng
Dos for Manny kaya mas gusto niyang dito ipalabas ang laban nila ni
Ricky Hatton.
Parang naririnig ko nang humahalakhak si
Dyan Castillejo na minsang naging issue ang ginawa niyang interview kay Pacman sa birthday nito kamakailan.
Malayo pa ang tatakbuhin ng usapang ito dahil nakatakdang magdemanda ang
Solar Entertainment na may hawak sa contract ng airing ng mga laban ni Pacman.
Abangan…
* * *