Page 82 of 203 FirstFirst ... 727980818283848592 ... LastLast
Results 811 to 820 of 2029
  1. #811
    Junior Member
    Join Date
    Jan 2009
    Gender
    Female
    Posts
    279

    Written by Boy Abunda
    March 18-19, 2009




    KC CONCEPCION AND Billy Crawford recently signed their contracts with ABS-CBN. KC signed a contract for her teleserye Lovers in Paris kung saan ka-partner niya si Piolo Pascual. KC admitted that she is a fan of the series and Vivian, the lead character played by Kim Jung-Eun in the Korean version. Some of the scenes in the series will be shot in Paris. Piolo and KC recently flew to Paris. Masaya si KC na bumalik Paris kung saan siya nag-aral. Siya raw ang magiging tour guide ng grupo while in Paris.

    Pumirma naman si Crawford ng one-year contract with the Kapamilya network. His new projects include an album and shows like ASAP 09, a soap opera and PDA Season 3. Crawford is enjoying his stay in the Philippines at naging close na raw siya sa kanyang mga kasamahan.

    INTERNATIONAL YOUNG SINGING sensation Charice showed SNN her photos with some of the hottest Hollywood celebrities saved on her laptop. Ilan sa mga nakasama ni Charice ay sina Celine Dion, Mariah Carey, Andrea Bocelli, David Foster, Josh Groban, Alicia Keys, Demi Moore, David Archuleta, Nicole Richie and Paris Hilton.

    May picture din si Charice with the highly-coveted Oscar trophy.

    THE CAST AND crew of You Changed My Life lead by John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo are in high spirits these days following the box-office success of their movie. Marami ngayon ang nagtatanong kung magkakaroon ng Part 3 ang pelikula. Abangan natin!



    Kaibigan, usap tayo muli!

  2. #812
    Junior Member
    Join Date
    Jan 2009
    Gender
    Female
    Posts
    279
    Written by Ogie Diaz
    March 18-19, 2009


    TAMA LANG NA 'wag na munang ituloy ang Sarah Geronimo-Piolo Pascual movie. Pahinga muna. Dapat ke Sarah, ibang genre naman. Like family-oriented movie ang kanyang gawin at wala munang kalabtim.

    Kasi, baka ‘pag ginawa ang Sara at Piolo eh, mag-pale ito in comparison sa You Changed My Life at sa naunang A Very Special Love.

    Ang projection ng Star Cinema ay baka maka-P250M ang maging nationwide gross for the whole season na ipinalabas ang You Changed My Life, kaya ang susunod na team-up ni Sarah sa ibang leading man ay tiyak na maikukumpara.

    Kaya right project 'yung next ni John Lloyd na isang Vilma Santos starrer.

    AKALA NG STAFF ng May Bukas Pa, may huhulihin ang pulis na pumunta sa set. May kasama itong apat na titser. 'Yun pala, gusto lang nilang makita at makausap si Santino para pasalamatan ito.

    Bakit daw?

    Eh, kasi pala, sinamahan ng police superintendent sa Pampanga ang mga guro para sabihin lang na ni-require nilang assignment sa kanilang mga estudyante ang panonood ng mga bata ng May Bukas Pa.

    At kinabukasan, meron silang recitation tungkol sa anong values ang natutunan nila na ibinahagi ni Santino.

    Honestly, dear Ed, grabe talaga ang impluwensiya ni Santino sa mga kabataan, kaya naman ang production staff ay miting nang miting para makapag-come up ng bonggang istorya na lulutasin na naman ni Santino.

    Even our daughters, nakatutok talaga sa May Bukas Pa, dahil ke Santino at dahil na rin sa ang ama nila ay kasama rin doon.

    Heheheh!

  3. #813
    C.I.A. elvishtattoo's Avatar
    Join Date
    Aug 2007
    Gender
    Female
    Posts
    5,173
    Blog Entries
    9
    hahaha! pagka nlang jud aning Ogie Diaz!
    inspiring bitaw jud ang May Bukas Pa.

  4. #814
    Junior Member
    Join Date
    Jan 2009
    Gender
    Female
    Posts
    279
    Derek Ramsay, works on 'The Wedding' and 'Maruja'

    Written by Eddie Littlefield
    March 18-19, 2009


    AS AN ACTOR, saludo kami kay Derek Ramsay kahit baguhan pa lang siya sa showbiz.


    Pinaiyak niya tayo sa madamdamin niyang pagganap bilang gay sa MMK. Nakipagtagisan ng galing sa pag-arte kay Judy Ann Santos sa teleseryeng“Ysabella.” Palibhasa seryoso sa kanyang propesyon at kinakitaan ng potential ang hunk actor, kaya nagkasunod-sunod agad ang kanyang mga project.

    “Actually, nagkakasabay-sabay na ‘yung project ko. Well, ever controversial teleserye na ginagawa na namin ang The Wedding and Maruja. Teleserye with Judy Ann Santos, katatapos lang namin gawin ‘yung movie with Tita Maria (Maricel Soriano) and then, may ginagawa akong movie with Bea Alonzo so, medyo hectic, nawala na ‘yung pagka-sports ko,” intro ni Derek.

    Masuwerte si Derek sa blessings na dumarating sa kanya. Hindi kaya siya pagselosan ng kapwa niya artista sa Dos? “Hindi naman, nagkataon lang na nagkasabay-sabay, wala naman akong alam na may nagseselos na artista. I think, nagkasabay-sabay lang kasi, ‘yung teleserye was put on hold, ‘yung The Wedding was put on hold. Ginawa namin ni Anne ‘yung Maging Sino Ka Man Book 2 although, nagkataon lang na nagkasabay-sabay. Wala pa naman akong na-encounter na artistang nagseselos.

    “I consider that blessings talaga itong mga projects, working with such great actors – Juday whom I’ve worked before. Si Anne, nakatrabaho ko na rin, first time ko with Kristine Hermosa so, it’s a pleasure na nakakatrabaho ko ‘yung mga leading ladies ng ABS-CBN,” masayang sabi ni Derek.

    Exclusive nga ba si Derek sa ABS? “Yes, I don’t have a contract per se, you know. Right now, I’m with them and my word is good. They’re giving me projects, they’re taking care of me so, doon talaga. Binibigyan nila ako ng project ng ABS, respect ko sa kanila ‘yun. But there is no written contract, Star Cinema mayroon. Mayroon akong written contract with them, three pictures. Bakit wala akong written contract, verbal lang? ABS recognizes na they put the trust na puwede akong gumanap in this role, and I keep my loyalty to them.”

    Sino nga naman ang mag-aakalang magagampanan ni Derek nang buong husay ang papel na kanyang ginagampanan sa bawat teleserye. “Alam mo, if there is one person na na-surprise – ako ‘yun! Hindi ko alam. To tell you the truth, camera shy ako, even though gumagawa ako ng mga commercial. The truth, camera shy talaga ako. Noong nag-venture ako, sinubukan ko ang pag-acting – drama pa!”
    Sa mga papuring natanggap ni Derek, masasabi kaya niyang isa siyang magaling na actor? “Hindi, marami pa akong dapat matutuhan. The only way to do that is to experience and learn from my fellow actors. And I consider myself very lucky na ‘yung mga mahuhusay na artista’ng nakakatrabaho ko. Si John Lloyd Cruz nakatrabaho ko, I learned so much just watching John Lloyd. Si Judy Ann ofcourse. Well everybody, I try to learn and find out new things about myself.”
    ‘Yung galing ni Derek as an actor, paano niya na-develop? “Kasi, ako ‘yung tipong I like to get over my fear. I have a fear in height, ang ginawa ko, tumalon ako sa eroplano. I went sky diving, I’m afraid of sharks so, I went swimming with sharks. Ang hindi ko lang ma-overcome ‘yung fear ko sa daga, pabayaan na lang natin ‘yung fear na ‘yun. Ang fear ko being in front of the camera, I took it as a challenge, pumasok ako sa industry. You know, competitive ako so, when I do something, I do it right. So, kung mahirap ‘yung role, like sa MMK na very challenging ‘yung role na gay. Gusto ko ‘yung mga ganoong role natsa-challenge talaga ako. Nag-start ako sa Panday, nag-freakrick out dahil ‘yung first scene ko iiyak ako. In real life hindi talaga ako umiiyak, mahirap akong paiyakin pero na-surprise ko ang sarili ko, napaiyak ako. Challenge, it’s not competing with my fellow actors, it’s overcoming the challenge. Gusto kong ipakita sa taong kaya kong gawin. Everytime na iniisip ko siya, put smile on my face, na over come ko na ‘yun. ‘Eto na naman, may bago na naman kailangang ma-over come. So, each opportunity to prove I’m getting better, developing as an actor instead of being nervous about it, talagang sugod,” pahayag ng simpatikong aktor.

  5. #815
    Junior Member
    Join Date
    Jan 2009
    Gender
    Female
    Posts
    279
    Carmen Soo, back in the Philippines

    Parazzi News Service
    March 18-19, 2009







    More photos after the article.



    NAKAGAWA RIN NG marka ang Malaysian actress na si Carmen Soo sa Philippine showbiz. Nasubaybayan natin ang madamdamin niyang pagganap sa Kahit Isang Saglit, opposiste Jericho Rosales. Naintriga pa nga ang love team nila ni Echo, at naparatangan din si Carmen na siyang dahilan umano ng hiwalayang Jericho at Heart Evangelista noon. Kapwa naman idinenay nina Echo at Carmen ang alegasyon.

    Makalipas ang halos tatlong buwan, bumalik sa bansa si Carmen para gawin ang ilang commitments niya rito. Bukod sa pagiging newest celebrity endorser ng isang local brand ng women’s clothing line, muli natin mapapanood si Carmen hindi lang sa telebisyon kundi sa big screen.

    Kinukunsidera si Carmen na maging bahagi ng balik-tambalang soap nina Jericho at Kristine Hermosa. Ayon pa sa mga reports, may cameo role ang Malaysian actress sa Star Cinema horror-flick na T2, directed by Chito Roņo at pinagbibidahan ni Diamond Star Maricel Soriano. Bukod pa ito sa sinasabing pinag-aaralan na rin daw ni Carmen ang iskrip ng kanyang role sa John Lloyd Cruz-Maricel Soriano movie. At siyempre pa, ang plano ng Star Cinema na pagsamahin ulit sila ni Echo sa isang pelikula.

    Well, abangan na lang natin mga kaparazzi, kung alin sa mga projects na ito ang magma-materialize at mauuna. Malamang din naman, maraming tagahanga ni Carmen ang sabik na siyang makita uling umaarte. ‘Di ba naman?!

  6. #816
    C.I.A. elvishtattoo's Avatar
    Join Date
    Aug 2007
    Gender
    Female
    Posts
    5,173
    Blog Entries
    9
    i've seen sa TV Patrol World: Manny's coming fight will be aired in ABS-CBN!
    yahoo!
    mark the calendar nako ani!

  7. #817
    naunhan ko nimo elvishtattoo dah. hehehehe!

    welcome back, kapamilya! yahooooo... nagkayo na to ron ang lobot sa mga kapuso sa kalagot. manny's back!

  8. #818
    C.I.A. elvishtattoo's Avatar
    Join Date
    Aug 2007
    Gender
    Female
    Posts
    5,173
    Blog Entries
    9
    Quote Originally Posted by friedrich View Post
    naunhan ko nimo elvishtattoo dah. hehehehe!

    welcome back, kapamilya! yahooooo... nagkayo na to ron ang lobot sa mga kapuso sa kalagot. manny's back!
    ahahaha! nag tapad ra akong PC ug among TV bro!
    astiga manny oi.

  9. #819
    ahh paspasa sa balita ah...hahahaha...

  10. #820
    Kapamilya na jud si Manny pacquiao.

  11.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. ::Mga Kaigsu-onan.....dinhi ta MAg Binisaya og lawom...
    By jugs_06 in forum General Discussions
    Replies: 191
    Last Post: 04-15-2015, 11:35 AM
  2. Replies: 165
    Last Post: 02-28-2010, 07:58 PM
  3. GMA-7 Kapuso ... Kapamilya, NO TROLLING!!
    By tazmaniadevil in forum TV's & Movies
    Replies: 1425
    Last Post: 07-09-2009, 06:47 PM
  4. Replies: 24
    Last Post: 05-26-2009, 07:40 PM
  5. Kinsay mga chinoys dri?? (chinese/pinoy) dri ta magtapok!!!
    By MrRendezvous in forum General Discussions
    Replies: 2
    Last Post: 04-19-2009, 06:45 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top