HANGGANG MAY 2009 na lang pala ang kontrata ni Marian Rivera sa Blue Water Spa bilang endorser kasama si Piolo Pascual. Kaya pala as early as February, binaklas na ang billboard ni Marian sa Blue Water Spa sa may tapat ng ABS-CBN dahil magpapalit na sila ng endorser at ang bago ay si Karylle.
Say ng source namin, “
Almost 80% na go na si Karylle, nagkausap na po ‘yung taga-Stages at ‘yung taga-Blue Water Spa, hinihintay na lang ‘yung kontrata kasi pina-review po yata sa lawyer, wala na pong problema.”
At kung okey na, sa June raw ang malaking launching ni Karylle kasama si Piolo na balitang ni-renew, at kabubukas lang last February sa Capitol branch.
Samantala, kinulit namin ang source namin kung bakit sa dinami-rami ng aktres, eh, si Karylle ang kinuhang kapalit? Alam namang may isyu sila ni Marian dahil kay Dingdong Dantes.
“
Nag-survey po at lumalabas na maraming may gusto kay Karylle at timing naman dahil marami siyang projects now sa ABS-CBN plus malapit din ‘yung isang branch sa ABS, so malaking factor din po ‘yun na both talent ng ABS ang endorser ng Blue Water Spa,” paliwanag sa amin.
Naging fair naman ang aming source, wala silang sinabing negative kay Marian. ‘’Yun nga lang, hindi kami sinagot kung bakit hindi na siya ni-renew pa.