you cant talk peace and have a gun! -Francis M.
RIP idoL!!
you cant talk peace and have a gun! -Francis M.
RIP idoL!!
Great Lost to the music Industry I Saw Gloc 9 Crying when they paid a tribute to franciss M togther with our very own mobbstar Music
Gov. Vi, nag-sponsor ng hapunan sa burol ni Kiko
March 09, 2009
KITANG-KITA sa burol ng yumaong master rapper na si Francis Magalona ang nag-uumapaw na pagmamahal, hindi lang ng kanyang mga tagahanga, kundi maging ng mga kasamahan sa industriya, lalung-lalo na ang mga kapamilya sa Eat Bulaga.
Gabi-gabi, may Misa nang alas-otso at gabi-gabi ay mamamataan sa Christ the King chapels A & B ang TAPE Inc. big boss na si Tony Tuviera, SVP na si Malou Choa-Fagar, hosts na sina Tito, Vic at Joey, Pia Guanio, Michael V at ang mga tauhan nito sa likod ng camera.
Walang sawa silang umaalalay sa mga naulila ni Kiko, sa pangunguna ng biyuda nitong si Pia Arroyo, at katu-katulong sa pagsasaayos sa ultimo kaliit-liitang detalye gaya ng catering.
Nang makausap namin si Tita Malou nu’ng Sabado ng gabi, sinabi niyang may mga nagdo-donate ng pagkain at drinks, tulad ng Coca-Cola at Nescafe, mga produktong kahit paano’y naging bahagi rin ng buhay ni Kiko.
Sagot naman ni Batangas Gov. Vilma Santos ang hapunan ngayong Lunes.
Nasa burol din sina Ogie Alcasid, Wally Bayola, Ciara Sotto and sisters, Dominic Ochoa, Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, Gina Alajar, Tonton Gutierrez, Sheryl Cruz, Alfred Vargas, Sunshine Dizon at marami pang iba.
Although ni-request na ng pamilya na cash o blood donation na lang sa Philippine National Red Cross ang ibigay ng mga nakikiramay, marami pa ring nagpadala ng bulaklak.
May malaki namang tarpouline ng latest design ng 3 Stars and a Sun T-shirt line ni Kiko sa harap ng chapel, kung saan nakangiti ito sa litrato na may “One Love” na nakasulat sa bandang baba.
Bukas ay out na ang naturang design sa 3 Stars and a Sun shops.
Guwapung-guwapo pa rin si Kiko sa all-black suit at parang natutulog lang habang nakahimlay sa kabaong na may tangan-tangang gintong rosaryo.
Understandable naman ang pagiging involved ng mga taga-TAPE dahil mahigit sampung taon din nilang nakasama si Kiko halos araw-araw.
Taong 1995 ito unang sumabak sa longest-running noontime show sa telebisyon.
Sabi nga ni Tita Malou, “We took him in, kasi alam naming he speaks very well, he’s a good host, a rapper, kaya napasok sa Bulaga ’yan. We (siya at si Mr. Tuviera) were for someone who was good looking and that was Francis.”
Bukod sa maganda ang work attitude, mahusay din daw makisama si Kiko hindi lamang sa staff, kundi lalo na kina Tito, Vic at Joey.
Kokonti lang daw ang nakakaalam na gaya ni Joey, grabe rin ang pagmamahal ng pumanaw na rapper-TV host sa EB.
“’Di ba, si Joey is very protective of Eat Bulaga? Joey would be the one who would come to the rescue, ’di ba, ’pag merong naninira? Si Kiko lang kasi, kinukontrol ko. Pero grabe ang pagmamahal niya sa Eat Bulaga. Grabe! Silang dalawa ni Joey, ’pag nag-usap sila sa likod (backstage), ako na ’yung umaawat. ‘O, tama na, okay na, si Joey na lang, Kiko behave.’”
Marami raw silang mami-miss dito, lalo na si Tita Malou, dahil lagi siyang sinusutil ni Kiko.
Kuwento niya, “Everytime he would ano, lagi niya akong inaasar. Backstage, he would always do some things na alam niyang I would be annoyed. So, parang kunyari…ang kakulitan niya lang. Biglang maghuhubad ’yan ng pantalon sa harapan ko, a-ano, ‘Ma’m, can I host this way?’ Tapos, talon nang talon. ‘Hoy, Kiko!’ ’Yung ganu’n? Lagi niya akong tinatakot na meron siyang gagawin. I would miss that and ah, he’s very creative. He suggested the rap contest ng Bulaga.
“He’s our photographer. He loves to take pictures. That’s why he joined the camera club. Ano niya ’yon, eh, hilig niya talaga. And very ano siya, prolific writer, ’di ba? When he writes sa blog niya, very prolific. That’s why you can see that sa mga song na ginawa niya.
Marami rin daw napausong expression si Kiko, gaya ng “basura” at “puwede.”
Dagdag pa ni Tita Malou, “Mahilig ’yang mag-PSP dati. Galit na galit ako roon kasi ’pag tinatawag, hindi siya nagku-concentrate sa show, pinapagalitan ko ’yan and then I said one time, dahil lahat sila, nauso ang PSP, ‘I will confiscate all your PSPs.’ Parang ang feeling ko, ako ’yung principal ba? Tapos ngayon, nauso naman ang computer, ’di ba, lahat sila, kanya-kanyang laptop?”
Si Kiko rin ang gumawa ng theme song ng Ful Haus nina Vic Sotto at Pia Guanio sa GMA-7, at ng huling Little Miss Philippines contest sa EB.
Kaya nu’ng ma-diagnose ito with leukemia ilang linggo matapos ang Eat Bulaga Fiesta sa Los Angeles, California, Hulyo nu’ng nakaraang taon, lahat sila ay na-depress.
“Because Kiko was only 43 when he found out he had leukemia. We will miss his voice. Francis is the only guy that I know who could do a voice over full of energy and that sound I will miss,” wika ni Tita Malou.
Gaya ng alam na ng lahat, bukal din ng ideya ang master rapper. Balak nga raw sana nitong gumawa ng isang show tungkol sa mga hayop, pero hindi natupad dahil sa kawalan ng airtime ng TAPE Inc.
Isa rin si Tita Malou sa mga kinausap ni Kiko while undergoing treatment.
“Everything I knew about Kiko was he was doing well. So, nakakagulat. Although someone told me that this was really the case. And I just kept quiet about it. Still praying…wala siyang sinabing biglaan, pero it will be hard for Kiko to…ang pagkaka-explain sa akin was ganito…we could extend the life, his number of years, but it won’t be that long.
“Sinabi na niya sa akin. Tapos, ‘Malou, what he needs is the support, he’d go through the chemo, all the treatments, ’pag bumitaw kayo once, mahihirapan siya. So, I told Mr. Tuviera about that. And I told Mr. Tuviera also what the status was.
“Sina Pia (Arroyo) wasn’t saying that. So, I never really bothered to ask. Kumbaga, I was still hoping na ’yung nagkukuwento sa akin, mali, alam mo ’yon? Although credible ’yung person, ha? In denial ka. Hoping na mas treatable, kasi ’yun ang una nilang sinabi sa akin, eh,” salaysay pa ng TAPE executive.
“It’s so sad na sa isang Kiko nangyari ’yon. Pero siyempre, wala namang pinipili ang sakit. Kaya nu’ng umiiyak ako, sabi ko, ‘naku, Lord, extension lang, extension, extension.’ Until I received the call na eto na, final na ’to. Winarningan na ako, ’di ba? It’s a matter of time.”
Sa ngayon, balak ng TAPE Inc. na i-replay sa Miyerkules ang tribute ng EB para kay Kiko nu’ng Sabado. Daragdagan na lang daw ng mga bagong VTR clip para lahat sila’y makadalo sa scheduled “inurnment” nito.
“We’ll be here every night, be with the family,” susog pa ni Tita Malou, “for whatever they need. Right now, we’re coordinating per day, see how the flow is. If there’s something, we’ll make sure na maayos ang sitwasyon. Sa ngayon, wala naman nang kailangan.” IFF
Francis Magalona (October 4, 1964 - March 6, 2009), also known as FrancisM, Master Rapper, and The Man From Manila, was a prominent Filipino rapper, songwriter, producer, actor, director, and photographer. Often hailed as the "King of Pinoy Rap", he was considered a legend in the Philippine music community. With the success of his earliest albums, he was the first Filipino rapper in the Philippines cross over to the mainstream. He is also credited for having pioneered the merging of rap with Pinoy rock, becoming a significant influence to artists in that genre as well. He was also a popular television host, notably on MTV Asia where he served as one of the channel's first Filipino VJs, and on noontime variety television show Eat Bulaga!. Magalona died on March 6, 2009 at the age of 44 due to acute myelogenous leukemia.
Any messages to our idol Francis Magalona
daghan na kaayo ni na thread ug awahi nakas balita!!!!
girl be mine..... pagka highskul nako cg ko kanta ani nga kanta... da best ka francisM.
wow. didn't know this.
RIP
Pia Magalona napilitang magpa-interview kay Kris
SHOW-MY Ni Salve Asis Updated March 10, 2009 12:00 AM
May drama palang nangyari sa halos magkasabay na interview ng The Buzz at Showbiz Central sa wake ni Francis Magalona last Sunday. Kaya pala ang tagal ng interview ni Pia Guanio kay Pia Magalona dahil umiiwas sana sila sa The Buzz. Bigla raw kasing dumating sa Christ The King Chapel sa Greenmeadows ang staff and crew ng The Buzz kasama pa si Kris Aquino. Siyempre nagulat daw ang The Showbiz Central dahil hindi nila ini-expect ‘yun.
Saturday pa lang daw kasi, nag-decline na si Pia Magalona na magpa-interview sa The Buzz kung walang umasang darating pa ang crew ng ABS-CBN talk show.
Para raw makaiwas, nagtago sa kuwarto si Pia M. Kaya ang ginawa ng The Buzz, si Maxene daw ang pinilit at kinulit-kulit na ma-interview na ayaw din naman daw ng bagets dahil Kapuso star nga naman siya. Pero di raw ito tinantanan ng taga-The Buzz. Kaya ang ginawa raw ng dalaga ng nasirang master rapper, pinasok ang ina sa kuwarto at pinakiusapang magpa-interview kay Kris habang umiiyak. Kaya ang ending, kung napansin ninyo, parang walang gana si Pia M. habang kausap ni Kris.
In short, gate crasher ang The Buzz sa wake? Yup ayon sa nagkuwento.
Bukas na ang creamation ni Francis kaya siguradong kanya-kanyang unahan na naman ng coverage ang talk shows.
Similar Threads |
|