March 02, 2009 06:55 PM Monday
By: Nitz Miralles
* *
Malaking tagumpay ang kick-off ng series of shows ng ABS-CBN Star Magic talents na ginawa sa Market Market last Sunday sa rami nang taong nanood. Klik ang Gigger Boys na binubuo nina AJ Perez, Chris Gutierrez, Aaron Villaflor, Dino Imperial at Sam Concepcion.
Pinalakpakan din ang young beauties na sina Lauren Young, Jessy Mendiola, Isabelle Abiera at Empress Schuck at nagpakita ng galing ang ilang members ng batch 16 ng Star Magic. Sina Rafael Rosell at Maja Salvador ang main performers na nagpamalas ng husay sa pagsayaw, lalo na ang huli, ang husay ni Maja!
Hosts sina Chokoleit at Nikki Gil at sila rin yata ang hosts sa next show sa March 8 sa Pavilion Mart, Mar. 22 sa Metropoint, April 4 sa Alabang Town Center, Apr. 15, Trinoma at Apr. 18, sa Glorietta.
* * *