gikan ni sa akong friend. i dunno if naa na ba'y thread pareha ani. pls lang ko close if naa
i found this funny jud hehe, enjoy!
pasensya na kung tanga ako. pasensya ka na kung mahina ako gumetch sa mga patutsada mong kahit grade one pupil e maiintindihan. pasensya ka na kung manhid ako. manhid sa mga body languages mong sumisignos ng the closer i get to you, love moves in mysterious ways at my heart goes shalalalala. ganun lang siguro ang defense mechanism ng katawan ko laban sa sakit, yung pananabla sa paparating na virus ~ immunity ba. kung mahina man ako o manhid, choice ko yun. hindi dahil sa wala akong naaaninag o naririnig na alingawngaw ng pagibig. amoy na amoy ko ang samyo ng paborito mong pabango. palaging naka-plantsa ang kinky mong buhok. hiniwalay ng puting foundation ang mukha mo sa leeg mo. lahat ng pagpapapansin mo, hindi pumalpak na agawin ang atensyon ko. mula sa simpleng pag-kendeng sa tuwing dadaan sa harap ko hanggang sa panlilibre mo ng load ~kahit smart ako. naa-appreciate ko naman lahat yon. pinili kol ang na wag magsalita. pinili kong maging indifferent. pinilit kong wag makaapekto ito sa pagkakaibigan natin pero maingay ang pag-kalabog ng puso mong nangangatok sa pagibig ko. tanggap ko kung sabihan mo ako ng tanga, bobo o mahina.
oo na, bato ako.
kahit sa kaibuturan ng puso ko, may totoy na gustong magmahal. may totoy na natatakot lang dahil ayaw na nyang masaktan. pero hindi dahil sa takot na yon kaya pinili kong wag kang mahalin. marahil ay ikaw ang manhid. ikaw ang tanga. ikaw ang mahina gumetch. kung kaya kitang mahalin, sana matagal ko nang ginawa. simula pa lang noong JS Prom na ikaw pa ang nag-ayang sumayaw sa akin. ni-request mo sa dj yung paborito mong lovesong sabay pinilit mo akong makisayaw sayo. pinagbigyan lang kita dahil kaibigan kita. baka inakala mong dahil kinikilig ako sa tema ng kantang ako'y sayo, ika'y akin ~ hindi.
hindi kita kayang mahalin.
hindi dahil panget ka. hindi dahil may mahal akong iba. hindi dahil ikinahihiya kita. hindi kita kayang mahalin dahil lalaki ka. lalaki ka, brando. lalaki. hindi brenda ang pangalang naka-imprenta sa birth certificate mo. sumulat ako para malaman mong nakakairita na. pinilit kong lawakan ang isip ko pero sobra na. hindi dahil homophobic ako. hindi ko lang talaga kayang magmahal ng kapwa lalaki. ok?
sana tigilan mo na ako.
xoxo,
totoy bato