February 10, 2009 05:42 PM Tuesday
By: Vinia Vivar
* * *
Kasisimula pa lang last week ng seryeng May Bukas Pa, na pinagbibigahan ng batang si Zaijan Jaramilla, pero napakarami na agad panatiko nito mostly from different religious groups.
Ang mas ikinatataba ng puso ng staff ay ang natatanggap nilang feedback mula sa iba’t ibang simbahan at sinasabi kung gaano sila na-inspire sa serye.
Sila na rin mismo ang nag-e-endorse sa mga tao na panoorin ang
May Bukas Pa.
Nai-forward sa amin ang isa sa text message ng isang manonood na ganito ang nakasaad:
“This morning at church, our parish priest is all praises, is now an avid viewer of our teleseryes despite his aversion to Tagalog programs and movies and he encouraged all parishioners to watch May Bukas Pa as Santino is an example of how to have a genuine relationship with our Lord Jesus Christ. That we all can learn from Santino on how to trust and have faith in God. Galing! Congratulations po!”
Sa pilot week pa lang, puring-puri na ang mahusay na acting ni Zaijan at ng buong cast.
Pero bukod dito, ang tema ng serye tungkol sa pag-asa at pananampalataya ang nagugustuhan ng manonood.