Results 1 to 8 of 8
  1. #1

    Default Kwela Nobela : First End


    Short Film Coming
    THE ORIGIN
    Chapter 27

    (inside the studio)
    (gallery-like studio with big picture of chairwoman in the middle)

    Christoper : siya si MTRCB Maria Consoliza P. Laguardia … mabait siya, at ang totoo pa neto, ang pinakamabait na babae sa buong Pilipinas
    (different camera angle)
    Christoper : kagustuhan man ng iba na siraan ang reputasyon nya bilang chairwoman ay wala silang magagawa … iyak na lang sila, malaki ang tiwala ng taong masa sa kakayahan nya na pamunuan ang MTRCB

    (enter Ann)

    Ann : (nilapitan si Christoper) totoo yan Christoper, si MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza P. Laguardia, ay isang pinagpalang tao na binigyan ng may Likha ng napakaraming pambihirang mga talento … maswerte tayo at nakapiling natin sya sa daigdig na earth
    Christoper : at maswerte rin tayo kasi natutulungan nya tayo sa abot ng kanyang makakaya
    Ann : (agreeing gesture)

    (other location)
    (apo at naka-wheelchair na Lolo sa park)
    (Chairwoman as the camera angle view approaching the old man)

    Lolo : MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza P. Laguardia, ano pong ginagawa nyo po dito?
    Chairwoman’s voice : (showing her hands massaging Lolo’s legs) huwag na po kayong mag-alala sa pagkalumpo nyo, simula ngayon, makakalakad na po kayo
    Lolo : pero impusible, lumpo na ko simula nung pagkabata ko
    Chairwoman’s voice : sshhh … sige po, tumayo na po kayo
    Apo : Lolo, magtiwala po tayo kay MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza, maniwala tayo sa taglay na banal na kapangyarihan nya
    Lolo : ganun ba apo, o sige susubukan ko (dahan-dahang tumayo)
    Apo : hah! (jaw drop) Lolo! Lolo nakakatayo na po kayo! nakakatayo na po kayo!
    Lolo : aba’t oo nga! isa itong himala!
    Chairwoman’s voice : ngayon, subukan nyo naman pong lumundag
    Lolo : huh? Pero impusible, may sakit ako sa buto, at sabi ng doctor, kamatayan sa akin ang igalaw ko ang mga buto ko sa napakapabayang paraan
    Apo : Lolo, mga salita ito ni MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza P. Laguardia, lahat po napapasunod nya sa mga utos nya … walang magagawa ang mga buto nyo kundi ang sumunod sa mga banal, at makapangyarihang mga salita ng MTRCB Chairwoman
    Lolo : o sige, susubukan ko rin … (lumulundag na) … Apo! Apo! nakakalundag na ko! nakakalundag na ko! ang saya ko! (tawa)
    Apo : (tuwang –tuwa and clapping)

    (other location)
    (back to them)

    Christoper : wala talagang hindi kayang gawin ang butihing si MTRCB Chairwoman, sa kagustuhan nyang makatulong talaga sa napakaraming tao, sinadya talaga ni Lord na gawin syang chairwoman ng Movie and Television Review and Classification Board
    Ann : napanood mo ba ang binalitang aksidenteng kotse sa TV? hindi alam ng mga tao ito pero nandon sya agad para tulungan ang isang pamilyang nangangailangan ng saklolo

    (other location)
    (may nakataob na kotse sa tabi ng malawak na kalsada)
    (may babae at anak na batang babae sa medyo malayo sa kotse)

    Chairwoman’s voice : anong nangyare?
    Woman : MTRCB Chairwoman, ang asawa ko po, nawalan po ng malay sa nakataob na kotse na yan … hindi ko po talaga alam ang dapat kong gawin (then iyak)
    Little girl : Mama (iyak)
    Woman : anak, wag ka nang mag-alala, nandito na si MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza P. Laguardia, tutulungan nya tayo anak
    Chairwoman’s voice : iha, ako nang bahala sa Papa mo kaya wag ka nang malungkot
    Little girl : (habang nagpupunas ng luha, nodding yes)
    (cut)

    (showing hands of Chairwoman pushing the car, ibinabaliktad sa pagkakataob nang mag-isa lang)
    (then nabaliktad na)
    (may tao sa loob ng kotse)
    (showing hands of Chairwoman na tinanggal ang pintuan ng kotse na parang si Superman, tapos itinapon sa tabi)
    (then tinanggal yung sitbelt ng lalake at hinila palabas ng kotse)

    Woman : asawa ko (iyak)
    Little girl : Papa (iyak)
    Chairwoman’s voice : nawalan lang sya ng malay, kailangan mabigyan ko sya agad ng mouth to mouth resuscitation (binubuksan yung bibig nung lalake at idinidikit ang camera angle sa bibig nito) … (and then showing hands giving a pump on the man’s chest … mouth to mouth ulit at pumping)

    Woman : mabubuhay pa po kaya ang asawa ko?
    Chairwoman’s voice : oo misis, ako, bilang makapangyarihang si MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza P. Laguardia, nasa kamay ko ang buhay ng mga taong gusto kong tulungan … at syempre, lahat sila
    (pumping gestures ulit and then yung lalake umubo na at nagkamalay)
    Man : … nasan na ko?
    Woman : asawa ko!
    Little girl : Papa!
    Man : pamilya ko! maraming salamat, akala ko katapusan na ng career ko
    Woman : asawa ko, hinding-hindi mangyayari yon … kaligayahan ng butihing MTRCB Chairwoman na makitang maligaya ang lahat ng mga tao
    Man : marami pong salamat MTRCB Chairwoman, dahil sa kabutihan nyo, marami po talagang tao ang napapaligaya nyo
    Little girl : Mama, paglaki ko po, gusto ko pong maging tulad ng butihin, at matalino, at seksing si MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza P. Laguardia balang araw
    Woman : anak, natutuwa kami ng Papa mo sa naging desisyon mong yan
    (then nag-group hug ang pamilya)

    (other location)
    (back to them)

    Ann : hindi ko maipapaliwanag kung papanong nagagawa ni MTRCB Chairwoman ang mga bagay na ganito … I mean hello? I’m not a scientist … ang mahalaga, nasasaksihan natin kung papano nya tinutulungan ang mga tao ng bukal sa puso nya
    Christoper : Ann, natatandaan mo pa ba si Paul?
    Ann : yung negro?
    Christoper : alam mo bang isa sya sa mga mapapalad na natulungan din ng butihing MTRCB Chairwoman?
    Ann : no way!
    Christoper : (agreeing gesture)

    (other location)
    (in front of Paul’s house)
    (nakaupo si Paul katabi ang isang urn na lalagyanan ng abo ni Mia)

    Chairwoman’s voice : may problema ka ba iho?
    Paul : … opo MTRCB Chairwoman, (then pinakita yung urn) gusto ko po sanang ipakilala ng pormal sa mga magulang ko, ang girlfriend ko pong si Mia … pero wala po akong lakas ng loob na gawin ito, baka laitin din nila ako tulad ng best friend kong siraulo … na si Christoper
    Chairwoman’s voice : kung ganun, hayaan mong ako, ang maging suporta mo sa pagpapakilala ng girlfriend mo sa kanila (showing hand na hinaplos buhok ni Paul) … sasamahan kita
    Paul : talaga po? (smiling)

    (other location)
    (in front of a door … showing hand na kumakatok)
    (binuksan ng Papa ni Paul)

    Papa : ..! MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza! napadaan po kayo … tuloy po, tuloy po kayo … asawa ko! may importanteng bisita tayo! … tuloy, tuloy
    (then pumapasok ng bahay camera angle)
    Mama : MTRCB Chairwoman! kayo po pala! Paul, kunin mo ang champagne! madali ka
    Chairwoman’s voice : hindi na po kailangan
    Mama : pero
    (cut)

    (nakaupo silang lahat, nasa harap nila magulang ni Paul)

    Chairwoman’s voice : … Paul, sabihin mo na
    Paul : huwag na lang po, kalimutan na lang natin ang lahat ng …
    (sinampal agad sya ni Chairwoman)
    Paul : Mama, Papa (kinuha yung urn pinakita sa kanila) … pakakasalan ko po tong si Mia, mahal ko po sya (tinanggal takip ng urn)
    Everybody : … (tahimik lang muna)
    (maya-maya, tumayo Mama ni Paul, medyo tulala)
    Mama : … aah---!!! (sumigaw tapos habang sumisigaw, tumakbo sa saradong pintuan na salamin … basag!)
    (after that)
    Papa : … MTRCB Chairwoman, nakasalalay po sa mga desisyon ninyo kung ipagpapatuloy ba ng anak ko ang mga ito
    Paul : …

    (other location)
    (sa kalye)

    Christoper : tunay na pinagpala sya, marami-rami na rin ang natulungan ni MTRCB Chairwoman, kahit na sinong tao siguro ang tanungin, isa lang ang sagot nila … natulungan kami ng butihing MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza
    Ann : para mapatunayan yan, uminterview tayo Christoper ng kahit na sinong tao na malapit dito
    Christoper : tara

    (nasa tapat lang pala sila ng bahay ni Nelson)
    (nilapitan nila si Nelson na shirtless at nakapantalon … naghuhugas ng taxi)

    Ann : kamusta
    Nelson : … (tumigil muna sa paghuhugas) kamusta din
    Christoper : sya si Ann at ako si Christoper
    Nelson : (kinamayan si Ann at si Christoper) … Nelson
    Christoper : oo … gusto lang naming malaman kung ikaw ba ay natulungan ng butihing MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza
    Nelson : totoo po yun … napakabuti nya talaga, eto nga (tinuro taxi) hindi sya nagdalawang-isip na bigyan ako ng taxi bilang panghanap-buhay para sa …
    Christoper : (nagulat) ibinigay nya yan!
    Nelson : oo
    Christoper : ibinigay yan ni MTRCB Chairwoman!?
    Nelson : oo (agreeing gesture)
    Christoper : aba’y napakabuti nga talaga netong si MTRCB Chairwoman nga ano, akalain mo, taxi, namimigay! … suko na ko suko na, suko na! taas na mga kamay ko sa kanya!!! (winawasak na manggas ng damit)

    --- end of Chapter 27 ---


    Click here for ALL CHAPTERS
    ALL CHAPTERS

  2. #2
    Short Film Coming
    THE ORIGIN
    Chapter 28

    Ann : Christoper, maghunos-dili ka!
    Christoper : (galit na) hindi eh, hinde! talagang ipanamumukha lang sa kin netong MTRCB Chairwoman nato na napakabuti nya talaga eh! nasan na ba sya pakakasalan ko na!
    Ann : sa pagkakaalam ko, may asawa na sya
    Christoper : walang problema, saksakin yung asawa, kidnapin sya, tapos pakakasalan ko sya sa kahit na saang simbahan!
    Ann : pero may trabaho pa tayong dapat tapusin pa
    Christoper : o sige, mamaya na lang
    Ann : (kausap ulit kay Nelson) so, sa papano mo namang paraan itong taxi na ito napapakinabangan?
    Nelson : malaki, malaki ang naitutulong nito, pumapasada ako araw-araw para kumita ng perang ipinambubuhay ko para sa pamilya ko
    Ann : nasan sila?
    Nelson : pamilya ko? teka … baby!
    Trevor’s voice : ano!?
    Nelson : lapit ka muna dito! dalhin mo na rin sila! mga anak natin!

    (lumalapit si Trevor na may kargang bata at isa pang bata na medyo naglalakad na)

    Trevor : (naka-sando) sino sila
    Nelson : mga reporters
    Christoper : totoo ba na ang butihing MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza ay natulungan kayo ng pamilya nyo?
    Trevor : (agreeing gesture) labas-masok sa kulungan dati kasi tong asawa ko kaya hirap syang makahanap ng trabaho, pero salamat sa kabutihang puso ni MTRCB Chairwoman, pinagkalooban nya kami ng taxi na tumutulong nang malaki sa pangpinansyal na pangangailangan naming pamilya
    Nelson : mahal kita
    Trevor : (napangite) … salamat
    Nelson : (medyo galit) ba’t ayaw mo bang sabihing mahal mo ko
    Trevor : … mamaya, yari ka sa kin

    (other location)
    (back to the studio)
    (Ann only)

    Ann : MTRCB Chairwoman, sana po, ipalabas ng walang cut at wag i-ban ang pelikula naming ito para sa pagpapasaya ng maraming tao
    (cut)
    Ann : (lumuluha na talaga, umiiyak) wala kaming inisip kundi ang paligayahin lang ang mga tao at bigyang ngiti ang kanilang mga labi … wala talaga kaming intinsyon na saktan ang sinuman sa kanila promise (iyak)
    (close-up) (Ann’s eyes … lumuluha talaga)
    (cut)

    Ann : (while walking, going to the picture … not crying anymore) sa buhay, nababalutan man ito ng mga negatibong isyu na hindi kayang makontrol ng ninuman, ay dapat lang gawin nating positibo sa nakakatwang paraan
    Christoper : (while walking going to the other side of the picture) at kahit na alam nating si Paul ay talagang abnormal lang, yan ang pangunahin at nag-iisang layunin ng pelikulang ito, ang magpasaya ng karamihan
    Christoper and Ann : kaya mula sa aming lahat dito
    Everybody : mahal namin kayo, MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza P. Laguardia!!! Yehey! (clapping) woo!!! woo!!!
    (fading to blackscreen)

    (then showing picture of Chairwoman)

    Guy Narrator’s voice : si MTRCB Chairwoman Ma. Consoliza P. Laguardia ay mahal naming talaga, sana kayo rin

    THE END

    --- end of THE ORIGIN ---

    EPILOGUE

    (Carmen’s house)

    Carmen : … (reading on the internet)
    Ellen : kanina pa sila ah … hindi na naman siguro pupunta yung mga yon
    Carmen : ba’t mo naman nasabe?
    Ellen : narinig ko sila kanina sa school, magpupustahan na naman sa bilyaran … hindi na naman tuloy makukumpleto sa oras video project natin ngayon
    Carmen : … (still reading on the internet)
    Ellen : … nagfre-friendster ka ba?
    Carmen : hinde, binabasa ko lang tong statement ng isa na namang witness sa isang misteryosong kaso
    Ellen : tungkol naman saan? ano namang kinamisteryo nyan
    Carmen : … alam mo ba yung video tape na kumukolekta ng memorya?
    Ellen : (awkward face) ano!?
    Carmen : itong binabasa ko ngayon, sya na yata ang naitalang pinakamaagang biktima ng video tape na yon
    Ellen : nananakit yung video tape, ganon?
    Carmen : base sa sinabi nya dito, nakatakas daw sya habang hinihila ng mga ispirito yung mga kaklase nya paloob sa video tape
    Ellen : hala! pusible ba yon?
    Carmen : (nodding yes) nangyare yon pagkatapos nila mapanood yung video tape
    Ellen : parang pamilyar sa kin tong horror nato
    Carmen : nakakatakot nga eh … nabasa ko pa sa ibang article na yung video tape na yon, nakapalibot daw dito yung memorya ng mga iba’t ibang taong pinatay na hindi pa rin nabibigyan ng maayos na hustisya … at pinapa-ulit nila yung istorya ng kanilang buhay sa mga taong nakakapanood neto tapos hindi na sila nakakabalik
    Ellen : … (then tawa)
    Carmen : ..?
    Ellen : parang sinasabi mo na, kapag nanood ako non, may talagang hihila sa kin … hihilahin ako sa paa nang ganito ba?
    Carmen : tumawa ka kung gusto mo, nag-iingat lang ako
    Ellen : (tawa ulit)
    Carmen : …

    --- end of EPILOGUE ---


    Sneak Chapters
    Short Film Coming
    NEGATIVE ONE

    (school)

    Elvis : tignan mo na lang kasi tong board
    Christoper : …
    Elvis : sa ibang school, dahil sa kalokohan nila, nagkaroon ng ganyang contest
    Christoper : ah yung tungkol sa AIDS awareness na kumalat sa internet
    Elvis : may nakapansing sponsors sa potensyal non kaya ngayon, may pa-contest na katulad ng ganung tema … ganung tema, pero nilimitahan

    (skip scene)
    (school gate)

    Elvis : nakadaan ka na ba sa first floor hallway Christoper?
    Christoper : hindi pa
    Rex : bakit anong meron?
    Elvis : ang baho sobra … sabi nung ibang pumasok, puro may tae daw lahat ng dingding sa loob ng kubeta
    Rex : ano!? hala!
    Christoper : kanina lang ba?
    Elvis : nasuspended ka kasi eh … last week pa yata nagsimula, kahit nililinisan daw, maya-maya may mga taeng nakakalat ulit sa loob nung kubeta … malapit pa man din sa canteen
    Rex : (natawa) sino daw may pakana?
    Elvis : wala pa nga daw nahuhule eh
    Rex : talaga?

    (skip scene)
    (school)
    (Mia is crying)

    Ann : tama na Mia, okey lang yon
    (enter Christoper and Anton)
    Christoper : o ba’t umiiyak yan?
    Ann : natanggal si Mia sa pinapasukan nyang trabaho
    Christoper : saang trabaho
    Ann : sa insurance company … nalulugi daw kaya nagtanggal ng mga tao
    Mia : (crying silently)
    Christoper : sa palagay ko, hindi yun eh … kunware nalulugi daw yung kumpanya pero ang totoo, tinanggal lang nila lahat ng mga panget, tapos unang tinuro ng boss si Mia
    Anton : (napangite)
    Christoper : (gestures as well) okey, nalulugi tayo, kailangang magtanggal ng mga tao sa kumpanya … Mia, I’m sorry pero ikaw ang una kong tatanggalin, pasensya na
    Anton and Ann : (tumawa)
    Mia : … (tumingin kay Ann)
    Ann : (tumatawa tapos biglang tigil)
    Mia : (umalis na lang)
    Ann : ayan, nagtampo na

    (skip scene)
    (school)

    Elvis : huy! lutang ka na naman pare … ba’t ba, ano bang problema?
    Christoper : … wala, feeling lonely lang ako
    Elvis : may video na ba kayo para sa susunod na project?
    Christoper : wala pa nga eh, ilang araw nang hindi pumapasok yung mga kagrupo ko

    (skip scene)
    (Christoper’s house … having a party)

    Elvis : Christoper, Christoper! (tawa)
    Christoper : … nasan ako?
    Elvis : lasing ka na yata, ba’t nakahiga ka sa sahig?
    Christoper : di ko rin alam eh
    Elvis : nahihilo ka ba pare?
    Christoper : … (then noticed Mia and Ann talking from afar)
    Elvis : huy!
    Christoper : … dun na muna ako
    (umalis na)
    Elvis : …
    (other location)
    Christoper : Mia, Ann, nakita ko rin kayo
    Mia : Tupe, totoo ba yung balita na sila Piolo Pascual at si Sam Milby na daw?
    Ann : bali-balita lang yon ano ka ba

    (skip scene)
    (outside the school)

    Christoper : … ba’t may media dito?
    Elvis : kinokober yata yung balita tungkol sa misteryosong kubeta na may nakakalat na mga tae sa school natin
    (other location)
    Reporter : at nandito po tayo ngayon sa eskwelahan na kung saan matatagpuan ang misteryosong kubeta na may nakakalat na mga tae, dyan po, nakikita nyo po … istrikto po kasi sa ngayon ang eskwela na magpapasok ng mga reporters kaya tanungin na lang natin ang mga lokal na residente malapit sa naturang school

    (skip scene)
    (Ann runs to her room and sit beside the radio)

    Ann : (umiiyak)
    (then someone is slamming the door)
    Ann : ..! (tinatakip ang bibig)
    (sound of unlocking the door and then opening)
    Ann : (iyak) parang awa mo na … maawa ka, maawa ka sa ken (iyak)
    maa-
    (‘bang!’)
    (sa ulo tinamaan si Ann)
    (then showing Ann’s dead body … blood is flowing)
    (other location)
    (showing Christoper’s dead body … blood is flowing)
    (other location)
    (showing Rex’s dead body … not far is Anton’s dead body … blood is flowing)


    --- end of Chapter 28 ---


    Click here for ALL CHAPTERS
    ALL CHAPTERS

  3. #3
    uhhh/....||||||||||||||||||

  4. #4

  5. #5
    did i miss something

  6. #6
    aw humor d ay ni? pwerting ka short lolz

  7. #7
    ..hala..pede summary lang ako!..

  8. #8
    ngek taasa oist... labad man akong ulo ug binasa... hehehe... peace...

  9.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. Kwela Nobela : 2nd END
    By delay in forum Humor
    Replies: 1
    Last Post: 12-04-2010, 02:21 PM
  2. Kwela Nobela : Chapters 32 - 33
    By delay in forum Humor
    Replies: 2
    Last Post: 10-31-2009, 08:05 PM
  3. Kwela Nobela : Chapters 29 - 31
    By delay in forum Humor
    Replies: 4
    Last Post: 10-25-2009, 04:29 PM
  4. Kwela Nobela : Chapters 25 - 26
    By delay in forum Humor
    Replies: 2
    Last Post: 01-25-2009, 10:36 PM
  5. Kwela Nobela : Chapters 23 - 24
    By delay in forum Arts & Literature
    Replies: 1
    Last Post: 01-20-2009, 02:03 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top