ABS-CBN, wagi ng apat na medalya sa 2009 New York Festivals Pagkatapos maghakot sa Golden Dove at Star Awards, sa New York Festivals naman nagpakitang-gilas ang ABS-CBN. Apat na medalya at apat na finalist certificates ang napanalunan ng istasyon, pinakamarami para sa isang istasyon dito sa Pilipinas.
Isang Gold World Medal for Best TV Special ang iginawad sa Bantay Bata 163 10th Anniversary Special, samantalang Silver World Medal naman ang nakuha ng investigative report ni Korina Sanchez sa substandard na glutathione brands.
Itinanghal ding Silver World Medalists ang Boy & Kris nina Boy Abunda at Kris Aquino para sa Talk/Interview category at Lastikman ni Vhong Navarro para sa Action/Adventure category.
Pinuri rin ng mga hurado ang mga programang Kung Fu Kids, Wowowee at Rated K, na tumanggap ng finalist certificates para sa kategoryang Children’s Program, Family Program at Magazine formats.
Ginawaran naman ng finalist certificate para sa Best News Reporter si Korina, chief correspondent at news anchor ng ABS-CBN.
Ang New York Festivals International Television Programming and Promotion Awards ay 49 na taon nang kumikilala sa mga bukod-tanging likha sa pagbabalita, dokyumentaryo, entertainment programming, at iba pa.
Ilang daang respetadong mga producers, director, manunulat, at iba pang media professionals ang nagsisilbing hurado rito.
Post a comment (1 Comment(s)) People's Tonight Other Sections
Entertainment
Top Stories National Sports Metro Opinion Editorial Provincial Miscella-News Overseas Filipinos Forex Weather Pinoy Komiks