Registered nurse si Maria sa States. Kasama nya ang
kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina
nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa
Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya ang
kabaong ng kanyang ina na mag-isa. Pagdating ng
kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit na
dikit ang mukha ng bangkay sa salamin ng ataul.
Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo
'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa
Amerika!" Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan
ang kabaong
Aba! May sulat sa dibdid ng ina. Kinuha nila ito at
binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Maria?
Mahal kong tatay at mga kapatid, Pasensya na kayo at
hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa
Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko
pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na
Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway,
ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...Nasa
likod ni nanay ang dalawampu't apat na karne norte.
And adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang
limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul
na Jansport na backpack na inuunan ni nanay.
Tig-iisa kayo. Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at
candy ay nasa puetan ni nanay. Para sa mga bata ito.
Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi matunaw
ang mga ito.
Ang Pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay
para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng
bata
Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene, Ate, nasa
loob ng bag ang pictures ni inay, mga japanese version
ng Pokemon trading cards at stickers. Suot ni nanay
ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old
Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa
ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa
fiesta.
Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong
warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo
ang mga ito sa party.
May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay.
Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan
nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at yong
isa ay kay Pareng Tulume
Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps
na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo,
diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng
Marlboro Green at Winston Lights ang nasa pagitan ng
mga hita ni nanay. Apat na jar ng Skippy Peanut
Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass
cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang
nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo,
huwag san kayong mag-aagawan.
Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya
Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam
nyo 'yan, tiya. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay,
suot-suot ni nanay. Kunin mo agad, tatay. Ang hikaw,
singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na
nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot-suot
din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse.
Isang Ray Ban ladies sunglass na pabirthday ko kay
Ninang Berta, hindi ko ba pinasuot kay nanay.
Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni nanay.
Nasa pink na plastik na maliit. Mga Chanel at Champion
na medyas, suot-suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga
pamangkin ko.
Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls,
table napkins at mga scotch brite na may foam ay
natatakpan ng mga puting bath towels...yon bale ang
pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami- rami rin
iyon
Parte-parte rin kayo. Marami pa akong ipinagsisiksik
kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer,
ilang vienna sausage na de lata, Barbie dolls,
toothbrush, paper cups, plastic spoon and pork, paper
at styro ! foam plates, perfume, cologne, ballpens,
stationaries, envelopes, bar soaps, Matchbox toys,
used t-shirts, hand towels, CD, VHS tapes, padlock,
tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp.
Hindi ko na na-itemize ang mga ito dahil nagmamadali
ako.
Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka
mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta
parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse.
Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.
Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na
lang ako pagkatapos ng libing. Paki-double check ang
lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
Nagmamahal, Maria
P.S. PAKIBIHISAN ninyo agad si Nanay!