Shocked ang reaksyon ng isang movie critic nang malaman niyang si Anne Curtis ang naging best actress sa fimlfest.
“Eeewww!” tanging nasambit ng movie critic na halatang hindi pabor sa pagkakapili kay Anne.Paano naman kasi, mestiza si Anne at hindi pa matatas magsalita ng Tagalog. Eh, Pinay ang role niya sa movie kaya hindi na nga bagay sa hitsura niya ang role, minus points pa ‘yung pagiging bulol niya sa Pili*pino, huh! We have yet to see Anne’s acting sa movie. Pero kung pagbabasehan ang acting niya sa TV series niya, walang improvement ‘yon simula nu’ng nagsisimula siya hanggang ngayong nandito pa siya sa showbiz.Pero pakialam ba namin sa panalo niya. After the festival, wala nang makaaalala sa panalo ni Anne. Lasapin na lang niya ang tropeyo dahil sa mga katulad niya, kapos pa rin sa acting, naging best actress man siya ng isang festival, sa pagbibigay ng awards ng mga legit na award-giving body, pasalamat na lang siya kung ma-no*minate siya, huh!
Abante Online