People's Tonight
Dec. 27, 2008
By: Nitz Miralles
Sumugod ang maraming tao sa opening ng Metro Manila Film Festival at talagang pinilahan ang walong pelikulang kasama sa festival.
Na-forward sa amin ang unofficial ranking ng box-office gross ng movie sa opening day at nangunguna ang Iskul Bukol…20 Years After nina Tito, Vic & Joey.
Hindi lang mga eksena ng tatlo ang nakakatawa’t buong pelikula at may impact ang role nina Robert Villar Jr. at Ryan Agoncillo bilang maingay na pipi.
Pumangalawa raw ang Ang Tanging Ina N’yong Lahat ni Ai-Ai de las Alas na sa Gateway, sold out ang lahat ng screening.
Nasa third place ang Shake, Rattle & Roll X, pang-apat ang Desperadas 2, pang-lima ang Baler, pang anim na puwesto ang One Night Only, pang-pito ang Dayo at pang-walo ang Magkaibigan.
Pero gaya sa mga nakaraang MMFF, sabi nga ng katotong Vinia Vivar, mababago ang box-office standing ng mga pelikula pagkatapos ng awards night mamayang gabi.
Gaya last year, mabilis ang awards night at one hour lang yata dahil susunod ang musicale na Katy.