JORGE: Pare, alam mo ba na ang pinaka-mahabang buhok sa katawan ng tao ay yung buhok natin sa puwet?
BANJO: Bakit mo naman nasabi yan, pare?
JORGE: Kasi, yung buhok natin sa puwet ay abot sa pilik-mata natin! di mo ba alam yun?
BANJO: Kalokohan! paano mo mapapatunayan yun?
JORGE: Madali lang! Subukan mong bumunot ng buhok sa puwet mo, Tiyak na mapapapikit ka!

Lumubog ang barko

Pari: San Pedro! San Jose! San Juan!
Madre: Sta Maria! Sta Clara! Sta. Lucia!...
Intsik: Anu beyan! Lubok na nga bahko tawak tawak pa kayo ng pasahero!!

mahirap And mayaman..

Kung mayaman ka, meron kang allergy";
kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis".

Sa mahirap, "sira ang ulo";
sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension".

Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay "kleptomaniac";
sa mahirap, ang tawag dito ay "magnanakaw".

Pag mayaman ka, you're "eccentric";
kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo".

Kung mahirap ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom";
kung mayaman ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine".

Kung mahirap ka, ikaw ay "kuba",
pero kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic".

Kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita",
pero ang seņorita mo kahit kasingkulay mo, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi".

Kung nasa high society ka, you are approvingly called "slender" or "balingkitan";
kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o "tisika" (kung masyado kang payat).

Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite";
kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano".

Kung mahirap ka at date ka rito, date ka doon, ang tawag sa iyo ay "nagwawala";
kung well-off kayo, ikaw ay "game".

"Malandi" ka kung isa kang dukhang alembong;
pero kung mayaman kayo, ang tawag sa iyo ay "liberated".

Ang mahirap na tumatanda ay "gumugurang";
sa mayamang tumatanda, the description is "he or she graduates gracefully into senior citizenhood".

Ang anak ng mayaman ay "slow learner';
ang equivalent na anak ng mahirap ay "bobo" o "pangod".

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says "masarap kang kumain, and I like you, you do justice to my cooking";
kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself or herself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa!"

Anak : Tays ! kakains nas tayos !
Tatay : Hoy ! Tigilan mo yang kalalagay mo ng 'S' sa mga sinasabi mo
ha ! Ano ba ang ulam ?
Anak : BANGU na may KAMATI, ARDINA na may IBUYA !

---------
Girl 1 : Halata na tiyan mo, bakit di pa kayo magpakasal ng BF mo?
Girl 2 : Ayaw ng pamilya niya eh !
Girl 1 : Sino may ayaw, tatay o nanay niya ?
Girl 2 : yung misis niya !

---------
BISAYA 1 : Unsay ibig sabihon ng " cooling place " ?
BISAYA 2 : Pag-naga ring ang fon, sabihin mo " Hilow, hus cooling
place?

---------
Wife : Love, mahal mo ba ako?
Husband: Siyempre, asawa kita eh.
Wife : Enjoy ka ba sa akin?
Husband: Siyempre, asawa kita eh.
Wife : Baka naman niloloko mo lang ako?
Husband: Siyempre, asawa kita eh.

---------
ANAK: 'Tay, anong pagkakaiba ng Supper at Dinner?
ITAY: Anak, pagkumain tayo sa labas, Dinner 'yun. Pag dito tayo kakain
ng luto ng Mommy mo, Suffer yon!!

---------
Grabe talaga ang mga iba diyan. Mahirap intindihin.. .... sa kanila ang
malambot "SUP", ang sabaw "SUP", ang sabon "SUP" pa rin.

---------
Loi: "Love, may mga friends ako na nagpa-enhance ng boobs. Okey lang ba sayo kung magpadagdag din ako?
Erap: "Ewan ko, parang hindi yata bagay sa'yo
ang tatlong suso!!!"

---------
Ale: Doc, meron po akong brownish discharge.
Parang na- infect.
Duktor: Gaano kadalas ka mag-***?
Ale: Once a year po.
Duktor: Ahh, hindi yan infection, KALAWANG YAN!!