Page 1 of 5 1234 ... LastLast
Results 1 to 10 of 42
  1. #1

    Default Ang Sarap Maging Senador!


    ANG SARAP MAGING SENADOR!

    Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam
    Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador
    dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

    Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa
    milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly
    Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

    Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa
    Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at
    Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para
    makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka
    pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

    Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa
    Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga
    resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.

    Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee
    Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga
    Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng
    Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado.
    There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang
    benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

    Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon,
    awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang
    porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay
    sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

    Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon
    sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10%
    kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

    Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga
    Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang
    kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision,
    maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

    Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong
    piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang
    suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

  2. #2
    C.I.A. rodsky's Avatar
    Join Date
    Nov 2007
    Gender
    Male
    Posts
    7,445
    Blog Entries
    128
    Someone ought to translate this into Cebuano. Very good points.

    -RODION

  3. #3
    tinuod ni? ataka.. ipabarang na nato ang mga senador oi....

  4. #4
    Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong
    piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang
    suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
    sobra pa sa bawing-bawi!

    si Bong Revilla gani gi-interview sa news recently regarding his plans sa pag kandidato as vice president inig 2010.. ingon sya "pag nasa senado ka na, pinapangarap talaga yang mas mataas na pwesto..." (i dunno unsay pasabot niya ana)... nya nag libog pa daw sila karon sa showbizness kung kinsay dapat mo-lansar, siya ba, si Jinggoy or si Vilma Santos... basin daw maguba ilang friendship if magkontrahanay sila... LOL wtf!!!

  5. #5
    Quote Originally Posted by Motownkid View Post
    sobra pa sa bawing-bawi!

    si Bong Revilla gani gi-interview sa news recently regarding his plans sa pag kandidato as vice president inig 2010.. ingon sya "pag nasa senado ka na, pinapangarap talaga yang mas mataas na pwesto..." (i dunno unsay pasabot niya ana)... nya nag libog pa daw sila karon sa showbizness kung kinsay dapat mo-lansar, siya ba, si Jinggoy or si Vilma Santos... basin daw maguba ilang friendship if magkontrahanay sila... LOL wtf!!!
    Mao, paila lang nga ila focus wala sa pag serve sa country. Haay politics.

  6. #6
    then why r we voting this idiots??

  7. #7
    C.I.A. godsaint's Avatar
    Join Date
    Apr 2007
    Gender
    Male
    Posts
    3,028
    Blog Entries
    1
    Lisod man gyud ang country nga walay leader.So wala na ta mahimo.Sila ang gahimo sa balaod so sila sad ang kabalo sa pag ilad sa balaod.

  8. #8
    abolish the upper house...it's a waste of public funds, nothing gets done in there anyway

  9. #9
    YATI ra ani nila... kita dnhi muna natog kayod para maka kita rag sweldo... hahay... nganong naa may ing ana nga balaod oi.. maau unta pagamyan na nila ila pork barrel ug fixed monthly budgets ug uban pa... maau ra kaau sila mo badlong sa uban opisyal or office sa government nga cge gasto.. pero sila murag lang wala... tsk.tsk.tsk... di ko ka blame nila kay nag pa tuyang sad man gud tag pasagad sa ato mga tax... kita ray gi ilad ani nila... pwera hisgot sa mga uban nga nag tinarong ug trabaho...

  10. #10
    C.I.A. DEMONOCIETY's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Gender
    Male
    Posts
    9,751
    Blog Entries
    199
    yeah got this on forwarded emails a long time ago

  11.    Advertisement

Page 1 of 5 1234 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. Ang mga Balak ug Awit sa Pakigbisog
    By Arwen in forum Arts & Literature
    Replies: 249
    Last Post: 04-05-2012, 12:09 AM
  2. Gusto kong maging senador ng pilipinas
    By miramax in forum Politics & Current Events
    Replies: 30
    Last Post: 01-14-2010, 12:57 AM
  3. Remix nako sa "Ang Sarap Dito" by Project 1..plz watch it..
    By skylinerr34j in forum Music & Radio
    Replies: 4
    Last Post: 05-05-2008, 03:02 PM
  4. ABS-CBN's "Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik"
    By Ya_Sui in forum TV's & Movies
    Replies: 327
    Last Post: 03-23-2008, 07:32 PM
  5. para unsa na ang palm?
    By abat in forum Gizmos & Gadgets (Old)
    Replies: 55
    Last Post: 12-16-2005, 09:08 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top